CHAPTER 6 ! Get Out!

79 6 2
                                    

"THE BITTER BAD GIRL..."

'Place yourself in the Right place.'

JHENNY'S POV.

Gumising nako at pumasok sa school, Nakakaistress sa bahay.

Habang naglalakad ako, Naiisip ko yung nangyari nung biyernes, Humanda ka sakin Christian. When i reach the stupid school, Nakita kong nagsiksikan yung mga estudyante sa gate na para bang nasa lata sila ng sardinas. Yun ay dahil hindi papala nabubukas yung makalawang na gate. Dami kong lait noh? Oo, Mapanglait ako! Tsk.

Nung binuksan na yung gate, Nagmadali akong pumasok ng makita ko si Camille, Lagi ko nalang nakikita ang babaeng yan!

Hindi ko sya pinansin at pumasok nako, Sadyang Sira ulo ang babaeng yan kasi nung papasok ako, Sinako pa man din ako at nilagpasan, Ginalit nya ko kaya sinipa ko yung legs nya. Halata namang nasaktan sya at haplos haplos pa ang binti nya. Nagalit sya kaya humarap sya sakin.

"Ano bang problema mo?" -Camille

"Ikaw, Ikaw ang problema ko."

"Talaga? Pwes, Problemahin mo ang sarili mo!"

"Bakit hindi yung sarili mo ang problemahin mo? Mukha na kasing may deperensya ka sa utak! Baliw!"

Nakacross arms ako na sinisigawan sya at nakita ko namang dumadami ang mga usisero. Good! Attention please! Nag-asta sya ng mayabang at humarap sakin.

"Mayabang ka na ha? Ikaw! Ang yabang mo! Lumalaban ka pa ah!? MAYABANG!!"

Tinawanan ko sya kasi mukha syang malaking Tanga.

"So, Tingin mo, Matapang ka na? Ilusyonada ka!"

Sabi ko at Hindi ako nagpatalo kaya humarap ako sa kanya ng galit at Umasta na Mas Mayabang at maangas.

"Oo, Mayabang ako, Pero mas mayabang ka! Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw ang Lampa at wala kang ibubuga!!"

Paninigaw ko sa kanya sabay duro ng daliri ko sa harap nya at itinusok sa noo nya, Hah! Buti hindi nabutas. XD

Nagagalit na sya kaya sinampal nya ako. Nagulat ako sa ginawa nya kaya nilabanan ko sya, Sinampal ko sya ng malakas sa kaliwang pisngi. Tinapos ko na ang gulong ito kaya sinampal ko ulit sya na mas malakas sa kanang pisngi dahilan para ma out of balance sya.

"Ibabalik ko sayo ang tanong mo, Lalaban ka? Nakaharang ka kasi kaya pinatumba na kita. HAH! B*tch!" Nakakunot noo kong sabi at hinayaang mapahiya sa harap ng lahat. May ilan na naghiyawan pero hinayaan ko lang, Taas noo nakong naglakad at nilagpasan ko na sya saka nagpunta ng classroom.

Pag upo ko naman, Nakakairitang amoy ang sumalubong sakin, Yun pala ang napakabahong kilikili ng katabi ko. Sinigawan ko sya para naman matauhan.

"Ang baho mo!"

Natahimik naman sya at hindi umimik pa. Hah! Bara! Buti nga.

After one week, Isang linggo kong hindi nakita si Christian. Ang sabi naman ng mga kaibigan nya, Pumasok sya ng 3 days, Bakit di ko nakita? Well... Pakialam ko ba sakanya. At least nagawa ko na ang una sa mga dapat gawin, Ang agawin ang trono ni Camille, After that kasi, Ako na ang nilapitan ng mga katropa nya, Ako na ang naging 'Lider of Sorority'. Hindi naman sa Sorority pero... Ugh! Basta! Ako narin ang bagong sikat at 'Bully Girl' dito.

TIME CHECK: 11:15 p.m. Tuesday Afternoon.

Lunch time namin, Actually, Kagagaling lang namin ng mga bagong Kabarkada ko sa pagca-cutting class, Libot libot kami ng makita ko si Tian--i mean Christian, Dapat ko na syang tawagin in his super B*tch name. Nakaupo lang sya at nagbabasa. Weirdo. Nung nakita nya ako, Tumingala sya at tumingin sakin. Nakakagulat nalang kasi ngumiti pa sya. Tumigil muna kami at tinaasan sya ng kilay.

THE BITTER BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon