"THE BITTER BAD GIRL..."
'Mothers Knows Best!"
SCARLET'S POV.
Apqiendtqiwlrfnfisansmzbxm!!!!
Paki isipin na Mura ang mga yan! Nahiya ako kasi andyan kayo. *u* Pero nakakamatay ang galit na naramdaman ko kanina! P*ta naman! Ups! *wink*
Aminan time, Nakonsensya ako sa ginawa ko, But i think she deserve that. Haaaay! Ewan. Nakakapanginig, Nasusuklam talaga ako dun. Gusto ko na yatang patayin yun! Putcha! To the Higheeeeesssst (please continue) level ang Galit ko sa Bruhang yun. Gumawa pa ng gulo. Arrsssssh! Haist!!! Bwiset fever! Pshh.
Gabi bago ako matulog, Nanalangin ako para sa lahat, Sana maging ok narin ang lahat. Evaporate muna ako for a minute!
SYXLET'S POV.!
Tumayo ako at nagising galing sa tulog ko. Nagstretching, At binuksan ang evening dress ko. Binuksan ang curtina ng bintana ko para naman matamaan ako ng araw. Dinala na ng maid ang kape ko sa kwarto at pumwesto ako sa may terrace at.. Nagrelax, Tumayo ako ng nakacross arms at dinamdam ang masarap na simoy ng hangin habang tumitingin sa buong siyudad ng maynila, napatulala at nagiisip ng malalim.
Hello!! Do you still remember me? Did you miss me everyone? OMG! Hindi ko na kayo iintrigahin... Hehehe!
I'm Syxlet Ramirez, Ang maganda at sexy parin matapos ang 17 years. Ako yung na rape? Oh, Forget about that! Pero... Ugh! Haay! Dont deny it, Ako nga, Ang babaeng kinonsensya, Nabaliw ata sa kaiisip, Dahil sa pangiiwan ko sa anak ko. Aaminin ko, Napatawad ko na ang tatay nya. Pati narin sya.
Ok, Sige na nga, Ikukwento ko na ang lahat-lahat nang nakaraan namin. Kung ano ang pinagawayan namin ni Scarlet, Sino ang rapist at lahat-lahat... Para alam nyo narin. Nakatayo lang ako rito at nagfaflashback.
Flashback...
21 years ago, Nabubuhay kami ng gipit sa pera, Nakatira kaming tatlo sa isang bahay, Si Scarlet, Ate ko, Sylestre, Mama ko at ako. Wala na ang tatay namin. Medyo gipit kami sa pera kaya kung ano-anong trabaho ang pinasukan namin. At mahigpit na ipinagbabawal ni mama na magboyfriend Muna kaming magkapatid, Pero nilabag ni Scarlet yun. Nagmahal sya ng isang lalaki at si Tomas yun. Naging lihim ang pagkikita nila hanggang sa nalaman ko iyon, Nagulat ako at nakiusap si Ate(Scarlet) sakin na wag kong ipagsasabi sa iba na syang ginawa ko. Pero isang araw, Nalaman ni mama na buntis na pala si Scarlet. Nagalit si mama at nasampal nya si Ate, Parang nagalit si ate at umalis sya sa bahay, Lumayas sya at nagsorry pa kay mama. Hindi naman kinontra ni mama si Scarlet dahilan para magalit si Ate kay mama, dahil mahal nya si Tomas, Tutal may trabaho yung lalaking yun kaya pumayag si scarlet na magpakasal sila, At umalis na sya sa bahay namin. Matindi naman ang galit ni ate sakin dahil inisip nyang isinumbong ko sya, Pero hindi naman talaga. Nagpaliwanag ako pero hindi nya ako pinakinggan, Doon na nagsimula ang away namin, Yun ang pinagawayan namin, Ilang linggo na ang nakakalipas matapos niyang umalis, Namiss namin sya at gusto na namin siyang bumalik pero ayaw nyang magpakita.
Gipit pa rin kami sa pera nung panahong yun ng makilala ko si Frederick Ramirez, Pure American. Kaapelyido ko sya pero hindi kami magkamag anak, Nagustuhan nya ako at niligawan nya ako pero sinabi ko sakanyang itigil na nya yun dahil hindi ko sya mahal. Botong boto si mama sakanya para sakin kasi, Mayaman si Fred, at dumating ang araw na fino force nya akong pakasalan sya, Ayaw ko kaya nadalas kaming magaway, Isang araw, Inatake sa puso si mama, Willing magbayad at suportahan ang lahay ng gastusin at kung ano basta't pakasalan ko lang si Fred, Nagmakaawa sakin si mama at dahil mahal ko ang nanay ko, Kahit labag sa kalooban ko, Nagpakasal ako sakanya, Doon ko nalamang babaero sya, sex addict at mapanakit, Araw araw nya akong hinihikayat na mag sex kami pero matindi ang kontra ko, Umaalis ako pero nahahabol nya ako at Sinasaktan nya ako, Hindi ko na nga mahal, Ginaganito pa ko. Nung time na nagsawa na ako, nagalit na, at sumosobra na sya, Tumakas ako at sinumbong ko sya kay mama, Walang ano-ano at ipinakulong namin sya, at naghiwalay kami. Nakakuha kami ng benefits sa kanya at nagkapera din kami, Hindi kami mukhang pera pero kailangan syempre. Ang akala kong maginhawamg buhay ay hindi pa pala tapos. Napagalaman kong nakatakas sa kulungan si Fred, Natakot ako baka balikan nya kami. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, Ni rape nya ako, Oo, Sya ang rapist nung 1999, (Balikan nyo sa Chapter 1) Sya rin ang tatay ng anak ko nung time na yun. Dahil sa hindi ko tanggap at nauna ang galit at poot ko kay Fred, Iniwan ko ang bata sa tapat ng bahay ni Scarlet, Nung iniwan ko, Nagtago ako at inobserbahan muna ang bata at nakikita kong kinukuha napala ni Scarlet ang bata, Agad na akong umalis pagkatapos nun. Lumuwas kami ni Mama sa Manila para makapagsimula ulit. Nagtrabaho ako at kumita rin ng maraming pera hanggang sa nakilala ko naman si Dominic Trillo, Niligawan nya ako at alam nya ang nakaraan ko, Tinanggap ako kahit Natrauma ako sa lahat ng pangyayari pero pinigilan ko at inalis ni Dominic ang lahat ng takot ko sa mga lalaki, Mahal nya ako at Mahal ko rin sya kaya ikinasal kami. Natuwa naman si mama dahil bukod sa Mahal na mahal ko sya, Mayaman na mayaman sya, Gumaan at Gumanda ang buhay namin, ang lahat ng pera at yaman namin kaya mas lalo kaming yumaman, Nakapagpatayo kami ng School, Resort, Hotel at mga kumpanya. Nagkaroon din kami ng anak at si Vanessa yun, Pinalaki namin sya ng maayos, Mabait at puno ng pagmamahal, marangya ang buhay, Hindi naman sya natulad sa mga ibang mayayaman na mayabang, matapobre and chuchuchu. Sa gitna ng masaya at almost perfect life namin. Gumagambala sa alala ko ang anak ko na iniwan ko noon. Araw araw ko syang napapaginipan, Naiisip, Kinokonsensya at narealize kong maling mali ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
THE BITTER BAD GIRL
Romance'Pag binato ka ng bato,Batuhin mo ng mas malaking bato hanggang sa mabasag ang ulo!' XD "THE BITTER BAD GIRL..." Originally Written Story by: MrAmazing1550 Please Read, Vote, Comment, Share, Support and be a Fan!! Ano, Aangal ka pa??! :)