"THE BITTER BAD GIRL..."
'Change is Good if your Change is for Good.'
JHENNY'S POV.
After 3 hours of traveling...
Nakakaantok, Nakakainip, nakakahilo at nakakapagod din ang ganitong mahabaang biyahe, After kasi sa tricycle, nagjeep kami, tapos nagbus at nagtaxi. Wait! Taxi?
Nasaan na ba kami? Yan ang tanong ko sa sarili ko kanina pa. Nakatulog kasi ako ehh! Pagbangon ko. Tumingin nalang ako sa bintana ng taxi para naman may makita ako. Nagulat ako sa nakita ko sa bintana. Napagalaman ko nalang na nasa Manila pala kami. OMG! Kaya pala antagal ng biyahe namin. Wala pa rin kaming kibuan ni tita at nakitingin lang ako sa mga dinadaanan namin.
Pumasok ang taxi sa isang subdivision at nagstop din ito sa isang malaki, maganda at pangmayamang mansion. Bumaba na kami pero hindi muna pinaalis ni tita ang taxi. Lumapit sya sa gate at kumatok. May lumabas namang maid at kinausap si tita.
"Sino po kayo? Ano pong kailangan nyo?"
"Kayo ang may kailangan sa amin. Nasaan si Syxlet?" Mataray na sagot nya. May lumabas namang matanda mula sa loob. Nakatulala ito at hindi tinignan si tita, Nagulat naman si tita sa nakita nya.
"Ma-mama?" The old woman doesn't answer her. why?
"Papasukin mo yung bata." Sabi nung matanda. Tinulak nako ni tita papasok ng gate. Nasaktan ako kaya medyo napasigaw ako.
"Ayan na ang kailangan nyo kaya patihimikin nyo na ang buhay ko!" Sabi ni tita sa matanda. Inalalayan nako nung maid pero binitawan ko sya. Hindi ko sya kailangan! Tskk. Tumingin ng masama si tita sakin bago pumasok ng taxi at saka na nya isinara ang pinto at umalis na sya. Hindi ko nalang sya pinansin.
Tumingala ako bago ako pumasok. Mukhang tama si tita ahh. YAYAMAN NA NGA AKO! Yung laki ng bahay, Mataas pa sa mga naglalakihang building dito. OA naman sa laki yung gate at ang gaganda ng kotse, Mamahaling mga materyales ang ginamit para sa bahay nato. Hindi ko pa rinmaitago ang pagka amaze ko dito sa magiging bahay ko. Wow ha!
Binuksan na nang hampaslupang maid ang napakalaki, mamahalin at magandang pintuan, Pintuan palang, Sure akong pinaglaanan ito ng maraming pera.
"Hello po! Welcome to YOUR NEW HOME!" Bati sakin nung pangit na maid at nagsmile pa. I just rolled my eyes ang tuluyan ng tumayo sa gitna ng sala. I' m trying to be 'Manhid'. Yun bang wala nang pake sa feelings ng iba,Yun ngalang pati yata feelings ko, Hindi ko na nararamdaman. Aahh! Basta!
Nakatayo lang ako at isinara nang maid ang pinto. Paikot ikot lang ang tingin ko dito. ANG GANDA! Kumikintab sa ganda yung chandelier na mahal pa sa buhay ng maid. XD Lumapit naman sakin yung matanda.
"Again, Like what the maid said, Welcome to your new home... apo!" Mabait at malambing na sabi ng matanda, Apo? Apo nya ba ako? Means... Lola ko sya?
"Ok! Hindi ko naman kailangan ng parrot para may gumaya sa mga sasabihin ng iba... Who are you?" Mataray kong tanong sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ko at nagsalita ng mahina.
"A-apo?? Apo!? I-ikaw ba ang apo ko? Lola mo ako. Ako ang lola mo apo." Naluluha sa tuwa yung matanda. Medyo kinikilabutan ako sa sinabi nya. Napatakip sya ng bibig, Ewan ko ba, Siguro nagulat sya na maganda ang apo nya. XD Inangat nya ang kamay nya at hinihintay ako na lalapit sa kanya pero hindi ko ginawa.
"Really?" Matipid at mahina kong sagot habang pinupunas nya ang luha nya. Ibinaba na rin nya ang kamay nyang nagaabang sakin na yakapin sya. Nakita ko ang pagkadismaya nya dahil hindi ko sya nilapitan, Napaisip kasi ako ehh. Pagkatapos nila akong iwan, Agad agad masaya pag nagkita? Hah!
BINABASA MO ANG
THE BITTER BAD GIRL
Romance'Pag binato ka ng bato,Batuhin mo ng mas malaking bato hanggang sa mabasag ang ulo!' XD "THE BITTER BAD GIRL..." Originally Written Story by: MrAmazing1550 Please Read, Vote, Comment, Share, Support and be a Fan!! Ano, Aangal ka pa??! :)