Teaser

96.6K 1.1K 68
                                    

Binuksan ni Thera ang pinto ng kotse saka umibis nang huminto iyon sa tapat ng bahay ni Tiyo Jaime. Minana ni Joshua ang bahay na iyon simula ng mamatay ang huli.

Kasama ni Thera sa biyaheng iyon ang E.S na si Yumi. Nakita niyang napalingon sa gawi nila ang dalawang may edad na babae na parehong nakaupo sa gilid ng daan.

Gusto niyang itirik ang bilugan niyang mga mata. Wala pang alas nueve ng umaga sa suot niyang wristwatch, masyado pang maaga para sa tsismisan.

"Dito ka na lang." baling niya kay Yumi na akmang susunod ito sa kanya.

Sa gitna ng daan, sinalubong siya ni Manang Mamen - ang isa sa dalawang tsismosang nakatambay. Hawak nito sa kamay ang isang patpating dalagita na tantiya ni Thera ay nasa katorse ang edad.

"Ang tagal mong hindi nakabisita, Thera. Si Joshua ba ang sadya mo? Mag uumaga na nang umuwi 'yon kagabi, lasing. Nag away sila nong ka-live in niya."

Thera rolled her eyes. Kapag talaga sa tsismis hindi ito nahuhuli.. Pero alam ni Thera na hindi lang ang impormasyon tungkol kay Joshua ang dahilan ng matamis nitong mga ngiti.

Few years ago, nagpatulong ito sa kanya na mabigyan ng trabaho ang bunsong anak nitong babae. Siya naman itong gaga, binack-up-an niya. Ipinasok niya ito bilang reservation officer sa The Palace Hotel.

Ilang buwan lang ang nakaraan, nasuspende ito. Nanibago ang hitad sa lasa ng beer sa Maynila, gabi gabing p-um-arty kasama ang mga barkada kaya halos araw araw din pumapasok ng late. Worse, pumasok pa ng lasing.

Nang ma-dismiss ng tuluyan sa trabaho, isinisi pa ng mga walang utang na loob sa kanya. Pinag initan niya lang daw kaya ipinatanggal niya.

"Apo ko nga pala, si Kaycee. Baka may trabaho kang puwedeng ibigay sa kanya. Kahit maid. Marunong siya sa gawaing bahay, pagluluto at paglalaba. Maaasahan din siya sa paglilinis ng bahay at pamamalengke. All around. "

Tinapunan ni Thera ng maiksing tingin ang dalagitang nakamata sa kanya saka muling itinuon ang mata sa may edad na babae.

"Kailan pa namatay ang mga magulang nito?"

Tumawa si Manang Mamen, iwinasiwas ang kamay sa ere.. "Kuuh, ikaw talaga, Thera, palabiro.. Buhay pa pareho sina Kuya Leo mo at ang asawa niya.."

"Gano'n naman pala eh. Bakit itong malnourish nilang anak ang pagtatrabahuhin? Kung humihinga pa sila pareho, magbanat sila ng buto. Unahin nilang palakihin, pag aralin at patabain 'tong anak nila bago nila itapon sa ibang bahay para magtrabaho." ang sabi niya, nanunuya ang tono.

Umawang ang bibig ni Manang Mamen. Nawalan ito ng sasabihin. Tinapunan ni Thera ng tingin ang dalagitang nagyuko ng ulo bago siya tuluyang tumalikod.

Lumakad siya papunta sa bahay ng orihinal na sadya. Pinindot niya ang buzzer sa gate ng bahay ng pinsan. Inulit niya nang inulit hanggang hindi niya nakikitang iniluluwa ng pinto si Joshua.

Sa wakas lumabas ng bahay ang hubad baro pang lalaki. Nabigla ito nang makita siya. Mukhang nag hesitate pa na pagbuksan siya ng gate.

"A-ang tagal mong hindi napadpad dito sa atin ah, kumusta ka na?"

Maaskad siyang ngumisi. "Buhay pa, disappointed ka?"

"Pinsan naman.."

Hindi ito pinansin ni Thera. Nalaman niya noong nakaraang taon lang, isinangla nito ang townhouse na binili niya para kay Tiyo Jaime. Nang mailit ng bangko, bumalik ang tinamaan ng magaling sa Baguio. Wala ng perang malustay kaya kung ano anong ilegal na trabaho ang pinapasukan.

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon