3 : Mr. Sean De Marco

42.5K 1K 97
                                    

October 17, 2019

Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cellphone niya at iniabot iyon ni Laida sa kanya mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.

"Hello." bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.

"Thera?"

Humugot ng malalim at maingay na hininga si Thera nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang pang-ibabang labi.

"Thera, tulungan mo 'ko please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan."

Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata niya. "Anong kaso?"

"R-robbery. Pero hindi siya kasama sa mga nanloob. N-napagbintangan lang siya."

"At naniniwala kang napagbintangan lang ang asawa mo, Wela?" umismid si Thera. "Wala akong maitutulong. Hindi ako tumutulong sa mga taong dapat lang talagang makulong."

Pinutol niya ang tawag. Inihagis ang cellphone sa sofa malapit sa kinauupuan ni Laida.

"I-save mo ang number."

"Hindi ko iba-block, Madam?"

Dinampot ni Thera ang tasa. "Hayaan mo siyang tumawag nang tumawag."

Pinsang buo niya si Joshua at ka-live in naman nito si Wela. Four years ago, ang mga ito ang pumutol ng taling nagdurugtong sa mga pagkatao nila. Pagkatapos ng mahabang panahon, nagparamdam ulit ang dalawa. May kailangan kasi. Na naman.

Pero nagkakamali ang mga ito kung iniisip nitong mag-aabot siya ng tulong kagaya noong una. Hindi siya ang uri ng taong madaling makalimot at magpatawad. Isang beses lang siya puwedeng maloko at hindi na napapangalawahan.

She's turning thirty in a few months time. Natuto na siya ng leksyon in a very hard and very painful way possible. Itinaga niya sa bato na hindi na siya magagamit ng mga taong walang kahit katiting na patak ng kahihiyan at utang na loob sa katawan.

Kinalimutan niya na na may mga kamag-anak pa siyang nabubuhay. Hindi rin naman worthy ang mga ito na maging parte ng buhay niya.

Sinulyapan ni Thera ang suot niyang gold plated wristwatch. Quarter to eight. Balak niyang magpunta sa The Palace para personal na makita ang produkto ng effort ni Yumi.

By this time, dapat may balita na ng paghu-hunger strike, pananakot na magsusumbong sa Department of Labor o resignation mula sa dalawang marketing staff.

"Ipahanda mo ang kotse, Laida."

Ilang minuto lang, sakay na si Thera ng kotse papunta sa opisina. Nagsusuot siya ng cardigan nang tumunog ang cellphone niya.

"Ang E.S po." si Laida.

"I'm almost there." aniya kay Yumi nang maidaiti ang cellphone sa tainga niya.

"Tumawag si Atty, tungkol sa pinsan mo na involved sa robbery."

"I'm not gonna help. Let him rot in jail."

"The thing is... mukhang napagbintangan nga lang si Joshua."

Isinuot ni Thera ang sunglasses na halos ukopahin na ang buong mukha niya sa laki bago siya tumalima para buksan ang pinto ng kotse niya sa backseat.

"Ma'am, hihintayin ko ho ba kayo?"

Nahinto sa akmang pagbaba si Thera. Tumikwas agad ang kilay niya.

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon