7 : Babe

39.7K 1K 272
                                    

Pinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpo-protesta ba siya? Igigiit dito na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.

Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.

Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal ng ten years kung hindi nila mahal ang isa't isa.

Pero sino si Babe? Paano 'yong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng bente nueve anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cellphone ng lalaki? Sabi nila, kung sino pa ang involved iyon pa ang kahuli-hulihang nakakaalam. Dapat ba niyang kaawaan ang older Thera dahil baka wala itong kaalam alam sa pinaggagagawa ng asawa?

Tinapunan ni Thera ng tingin ang kamay ng lalaki na nasa magkabila nitong gilid. He sure was wearing a ring. Nakasuksok iyon sa palasingsingan nito. Sabi nito, kambal ang suot nilang singsing. Iyon nga ba ang wedding bond nila o ang kapares ng singsing nito ay nasa babaeng tumatawag sa cellphone nito noong isang araw?

Bakit ba may paki siya? Not that she cares, tanggi niya. Hindi naman issue sa kanya ang singsing lalo at wala naman siyang maalala tungkol sa lalaki. Nasa in denial stage pa ba siya? Mahirap naman kasi talagang tanggapin na feeling niya nakatulog lang siya saglit, paggising niya bente nueve anyos na siya at kasal pa sa lalaking hindi niya man lang nakikilala.

Mukhang wala na siya sa stage na iyon. Mabilis nawala ang pagduruda niya tungkol sa relasyon niya kay Sean. Para bang malaking bahagi na ng pagkatao niya ang tanggap agad ang buhay na sumalubong sa kanya pagdilat niya ng mga mata.

Kahit paulit ulit i-deny ng bibig niya, sa sulok ng dibdib niya, pakiramdam niya ay parte nga ng buhay niya si Sean. Hindi lang dahil iyon ang sinasabi sa balita. O dahil iyon ang sinasabi ni Nurse Kai sa kanya. Baka nga nakalimutan niya lang, pero ang totoo, in love na in love siya kay Sean.

Kilala niya ang sarili, hindi siya pakakasal sa kahit sinong lalaki kung wala namang pagmamahal na involved.

Paano kung dahil sa pera?

Paano kung nangailangan siya ng salapi at si Sean lang ang nakita niyang puwedeng makatulong noon sa kanya? Ang tanong, saan niya naman gagamitin ang pera? Wala naman siyang utang maliban sa utang na loob sa tiyuhin. Hindi siya magpapakasal sa taong hindi niya mahal para lang makapagbayad ng utang na loob. At totoong buhay ito, hindi siya karakter sa pelikula o lead character sa isang libro.

Dahil sa good looks?

Thirty plus years old na si Sean pero kung itatabi ito sa mga heartthrobs at campus crush sa DM University, walang dudang pinakamagi-stand out pa ang lalaki. He was in his prime. Every girl or lady around him would swoon to his good looks sa isang tapon lang ng tingin nito.

Kasama kaya siya sa mga nag-swoon dito noon? Kung nineteen years old siya at twenty three o twenty four years old naman ito nang ikasal sila, posible nga ba kaya?

Sa kasing-stiff at cold ni Sean, imposible. Parang wala naman itong itinatagong sweetness sa katawan. Ito 'yong tipo ng lalaking namimilipit ka na sa ginaw, wala pa ring pakialam.

Kaya patutunayan niya sa sarili sa paraang alam niya na hindi ito ang uri ng lalaking magpapakabog ng dibdib niya at magpapasayaw sa mga paruparo sa sikmura niya - kung totoong mayroon ngang gano'n gaya ng paniniwala ng kadalagahan sa bayan nila.

Tumalima si Thera para kunin ang cellphone ni Sean na itinago niya sa drawer sa side table. Dalawang paraan lang para mapatunayan na wala ngang epekto sa kanya ang charm ni Sean.

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon