Inilapag ni Thera ang baso niya sa lamesa. Nagdesisyon na siya, magpapalipas lang siya ng ilang minuto at lalayasan niya na ang tatlo.
"Alam mo bang bumalik na si Kisses galing Amerika?" sabi ni Jiera. Mukhang tinatantiya ang reaksyon niya.
Nag-angat si Thera ng tingin. Dinampot uli ang baso niya, dinala sa bibig.
"Ah. My bad, nakalimutan kong best friends nga pala kayo. Baka ikaw pa ang una niyang sinabihan kaysa sa pamilya niya mismo."
"I'm not interested to know. Kung hindi naman interesante o importanteng tao, hindi ko pinag-aaksayahan ng panahon." malamig niyang sagot saka ibinaba ang beer sa mesa.
Katahimikan ang sumunod. Alam ni Thera, nagpapalitan ng makahulugang tingin ang tatlo. Maya maya lang, halos sabay sabay nang nagpaalam ang mga ito. Mukhang sa wakas ay nakatunog na rin na wala talaga siya sa mood.
"Hindi mo man lang ba kami ihahatid kahit hanggang sakayan ng jeep lang, Thera?" matamis ang ngiti na tanong ni Rheng. Mukhang nag-e-expect na lalalim pa ang ugnayan nila.
"Trenta lang ang isang biyahe papunta sa terminal, tag-sampu lang kayo kung paghahati-hatian." balewalang sagot niya.
"Oo nga, Rheng, mag-trike na lang tayo pauwi." nakangiting ani Jeira.
Umahon si Thera sa kinauupuan ilang minuto lang matapos tuluyang mawala ang tatlo sa paningin niya. Nag-iwan siya ng limang daan piso sa ibabaw ng lamesa.
Dumeretso siya sa exit door ng bar. Huminto sa may pinto nang makitang nakatayo pa rin sa labas ang tatlo.
Tiningnan niya ang suot na relos. It was past ten in the evening. Hindi siya sigurado kung may dadaan pang pampasaherong tricycle para pumick-up ng pasahero ganoong malalim na ang gabi.
Huminga siya nang malalim. Hindi kukunsumo ng isang oras kung ido-door to door niya ang tatlo. Dinukot niya ang cellphone sa bitbit niyang purse para tawagan si Ringgo.
"Ang cold talaga ng bruha. Hay, nakakainis. Hindi ko man lang naisingit 'yong tungkol sa pagpapatulong na makapasok si Robert ng trabaho sa The Palace." narinig niyang disappointed na sabi ni Rheng.
Natigil sa pagda-dial si Thera. Kagyat na nanalim ang tingin na itinapon niya sa tatlong babaeng nakatalikod sa kanya.
"The tale was real. She really is a devil without a single drop of human blood in her." Iling ni Jiera.
"Hindi nga ako makahinga habang kaharap natin siya kanina mga besh."
Thera's smile was sarcastic and disappointed. People keep on saying they like her but hates her behind her back - hindi na 'yon bago sa kanya. At ano bang inaasahan ng mga hampas lupa na kulay ng dugo niya? Pink? Samantalang ang mga ito naman ang mukhang Alien.
Nagngingitngit na humalukipkip siya sa pagkakatayo sa likuran ng tatlong walang pinagkaiba sa mga empleyado ng The Palace. Duwag. Back fighters.
"Nagbabago talaga ang tao kapag nagkakapera." buntong hininga ni Lorraine.
"Hindi sa kaso ni Thera. Sabi ni Kisses, mahirap pa lang 'yon ganyan na."
Nabura ang ngisi ni Thera. Natigilan siya. Kisses. She was that one person she thought would never betray her. But just like everyone else, she did.
Sumusuray na lumabas ng bar si Thera. Shit. Ang gulo ng daan. Tinamaan siya sa dalawang bote ng beer na nainom niya pagkaalis ng tatlong award winning actresses kanina. Idinayal niya ang number ni Ringgo pero bago pa man niya nailabas ang cellphone sa purse nabitawan niya iyon at bumagsak sa semento. Akmang dadamputin niya iyon nang may yumuko rin para pumulot.
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)
RomanceThe Wattys2019 Winner : Romance Category Ranked #1 in Romance Ranked #1 in Pain Ranked #1 in Broken Ranked #1 in Drama Ranked #1 in Amnesia Ranked #1 in Marriage Thera De Marco was hated and feared by many. For inexplicable reasons, within five ye...