1: Mrs. Sean De Marco

56K 1.2K 62
                                    

October 08, 2019
The Palace Mall and Hotel

Bumukas ng pinto ng ladies' room. Magkakasunod na pumasok ang tatlong uniformed employee ng The Palace Hotel. 'Yong isa, pumasok sa bakanteng cubicle habang humarap naman sa salamin ang dalawang iba pa. Halos sabay ang mga itong naglabas ng pouch at make-up kits para mag-retouch.

"Totoo bang nakakatakot ang Vice President, Ma'am Lira?" tanong ng pinakabata sa tatlo. She was twenty one, newly hired.

"Sa tingin mo ba, tatawagin siyang Vice Devil ng 99.9% ng empleyado sa Palace Mall and Hotel for nothing, Joy?" sagot ng tinawag na Ma'am Lira. Iritable itong bumuntong hininga. "Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pang pumunta ng Vice President dito sa Palace. Sana nag-stay na lang siya sa London o kaya sa Mars at hindi na lang magpakita sa atin kahit kailan."

"Alam mo na ang reason, Ma'am Lira. Para mambuwisit at mang-maliit at mamahiya ng empleyado ng Palasyong inaari niyang kanya." sagot ng empleyadong nasa cubicle. Umismid ito mula sa loob. "Pustahan tayo, ipaparada niya na naman sa loob ng mall ang mga nabili niya sa London. Hindi na nanghinayang sa perang winawaldas niya habang nagpapakuba tayong mga empleyado."

"Miss Rose, pansin ko lang imbyernang imbyerna ka sa kanya. Aminin mo na kasi, si Vice Devil lang talaga ang nag-iisang devil na totoong binabagayan ng Prada."

Isa pang malakas na ismid muli mula sa loob ng cubicle.

"I hate her guts. She was annoying and big-headed. Sa tingin mo ba kung kasingdami ng pera niya ang pera ko, hindi ako babagayan ng Prada, LV at iba pang designer items? Pasalamat siya noong mga panahong naghahanap ng pakakasalan si Sir Sean may asawa na 'ko at anak."

"Kuu, kahit naman single ka no'ng mga panahong 'yon, kung hindi ka marunong gumamit ng black magic hindi ka matitipuhan ng Presidente." tukso ni Lira.

"So totoo ang sabi-sabi na si Sir Sean talaga ang nagyaya ng kasal?" singit ni Joy.

"Does it matter? Eh pagkatapos naman ng kasal lumipad agad si Sir Sean palabas ng Pilipinas?" si Rose pa rin ang sumagot. Nag-flush ito ng bowl. "Malamang twenty years old pa lang si Vice Devil, nakausli na ang sungay no'n at buntot. Eh kahit twenty four lang si Sir Sean noon, hindi siya istupido para hindi mapansin 'yon."

Binalingan ni Ma'am Lira si Joy. Handang i-detalye sa baguhan ang mga impormasyong alam nito.

"Ganito ang nangyari, Joy. Sa papel lang nag-e-exist ang kasal ni Sir Sean kay Vice. Ang sabi-sabi, marriage for convenience. Pinakasalan lang ni Sir Sean si Vice Devil kapalit ng signed business contract kay Mr. Jacob Hernandez, 'yong CEO ng The Palace. Pumayag naman si Vice Devil sa kasal kapalit ng malaking pera."

"Eh kung ganon, ba't hindi pa ipinapa-annul ni Sir Sean ang kasal? Halos 10 years na silang nagtitiis pareho."

"Uh-uh. Five years ago pa nanghihingi ng annulment si Sir Sean. Pero nagre-refuse itong si Vice Devil. Alam mo na, maraming mawawala sa kanya oras na pumayag siya."

Nagpatango-tango si Joy. "Gano'n ba? Hindi ba talaga sila nagkagustuhan noon bago sila ikinasal? I mean, walang feelings involved basta na lang nagpakasal? Random, basta na lang napili si Vice? "

"Ang alam ko, si Vice Devil ang nasa contract kaya no choice si Si Sir Sean. At tungkol doon sa feelings, sigurado akong wala si Sir Sean. Pero si Vice Devil? I doubt."

"Kaya siguro hindi siya pumapayag sa annulment kasi mahal niya pa." anas ni Joy. Ibinalik nito sa pouch ang lip gloss.

Sarkastikong ngumisi si Rose na kalalabas lang ng cubicle. Dumiretso ito sa lavatory at naghugas ng kamay.

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon