December 5, 2009
Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng Mama niya na si Charry ang bagong hire nilang waitress, si Thera.
Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali lalo at nasabi niya na rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.
Natatandaan niyang nabanggit sa Mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi niya lang napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.
Ang pinag-aalala niya, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman ng huli na hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasal.
Sean had to rush things. Kailangan niyang maikasal kay Thera sa Hunyo. Hindi siya sanay manligaw but he was planning to propose to her kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Sinalubong si Sean ng malakas na tugtog ng banda pagkapasok na pagkapasok niya sa The Hype Bar. Hinayon ng mga mata niya ang mga taong naroon pero dahil may kadiliman sa loob, nahirapan siyang hanapin ang bulto ng dalawang sadya.
Natanaw niya ang pangalawang palapag ng bar. Kagaya ng 1st floor, matao rin doon. Umiindak ang karamihan sa intro ng kantang pinasikat ni Cindy Lauper noong 1983, ang Girls Just Want to Have Fun.
Akmang tatalima siya para tunguhin ang hagdan nang marinig ang malakas na hiyawan. Curious, nilingon ni Sean ang stage kung saan nakapuwesto ang bandang nagpe-perform ng live.
Natigilan siya nang makilala ang babaeng may hawak na microphone sa ibabaw ng stage. Ang Mama niya, who was grinning from ear to ear at bahagyang umiindak sa gitna ng may katamtamang laki na stage.
I come home in the morning light
My mother says when you gonna live your life right
Oh mother dear we're not the fortunate ones
And girls they wanna have fun
Oh girls just want to have funNapansin ni Sean, nakangiti at nangingislap ang mga mata ng Mama niya habang nagpe-perform. She was even dancing to the music. It has been ages ago since Charry decided to leave the music industry. Seeing her enjoying the song makes him happy. His father would be merrier if he got to see her again like this.
Mamaya pa, bumaba ang Mama niya sa stage, nang muling umakyat, kahawak kamay na ang isang babaeng naka Tea Caf uniform. Si Thera, na tinanggap ang mic na iniabot ng mama niya. Maluwang ang pagkakangiti ng dalaga.
When Thera started to sing, pumailanlang ang tawanan at hagikhikan sa loob ng bar. Makabasag ear drums ang boses ng babaeng kailangan niyang pakasalan. But that just made the song and the performance more fun.
The phone rings in the middle of the night
My father yells what you gonna do with your life
Oh daddy dear you know you're still number one
But girls they wanna have fun
Oh girls just want to have fun..Hindi papasa ang boses ng dalaga bilang singer but she sure was a good dancer. A funny one. It looked like she was enjoying it as much as his mother and the rest of the people inside the bar do. Saglit lang kasi, nagkumpulan na sa dance floor ang mga naroon, sumasabay sa pagkanta ng Mama niya at sa nakakatuwang dance steps ni Thera.
Sean found himself in awe lalo nang magyakap ang dalawa pagkatapos ng kanta. Paanong sa maiksing oras, nagawa ni Thera na hulihin ang loob ng kanyang Mama?
♥
Oct 22, 2019
Baguio City, PhilippinesUmuwang ang mga labi ni Thera, may ilang sandaling nakatitig lang siya sa mukha ni Sean, walang salitang mahagilap.
"Bakit naman ako magpapanggap..." nalilitong tanong niya pagkuwan. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Sean.
"Sign the annulment papers. Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin."
Annulment. Napailing si Thera. Nananakit bigla ang ulo niya. Nabibingi lang ba siya? Pero hindi, seryoso ang lalaki, at malinaw niya itong narinig.
Ang lalaking ito na no'ng nakaraang araw ay kinukumbinsi niya pa ang sarili na tanggapin na parte na ng buhay niya, heto nauna na palang nakapagplano ng hiwalayan kaysa sa kanya?
Tumalima si Sean at muling binuhay ang makina ng sasakyan. Ang daming tanong sa isip niya, nagrambol rambol iyon sa dati niya nang magulong memorya.
Ano ang dahilan kung bakit gusto ni Sean ng annulment? Did he fall out of love after nearly ten years of marriage? May ginawa ba siyang mali? Bakit nito iniisip na pinepeke niya ang amnesia? Posible bang mag-resort siya sa ganoong panloloko mapigilan lang ang pakikipaghiwalay nito sa kanya?
Kung lilimiin ang sinabi ni Sean, parang siya ang gumagawa ng paraan na ma-delay ang saulian ng kandila. Bakit? Does she love him this much she could not afford to lose him?
Kung siya - her 17 year old self ang masusunod, ibibigay niya ang gusto ni Sean. Tutal at the very moment, wala naman siyang maramdamang espesyal para rito. Kung tutuusin, ni magkaibigan ay hindi sila mapagkakamalan sa pagiging pormal nito.
Pero hindi niya alam ang consequences ng gagawin. Paano kung mabaliw siya sa hinagpis oras na bumalik ang memorya niya at malamang wala ng bisa ang kasal niya sa lalaking well, baka nga pinakamamahal niya?
Sisisihin niya ba ang sarili sa pagkakamali ng sarili niya rin?
Paano naman si Sean? Ikukulong niya ba ang lalaki sa kasal na wala namang pagmamahal? She would be living all her life lying and deceiving her own self. Hindi ba iyon selfish at heartbreaking? 'Yong ipaggigitgitan mo ang sarili mo sa taong nagpupumilit na makalaya mula sa mahigpit na pagkakayakap mo?
Sean must have found someone new. At malamang, iyon ay ang babaeng tumatawag sa cellphone nito noong nakaraang linggo. Si Babe.
Malalim ang hiningang hinugot ni Thera. Marami na siyang pera, mayroon na ring magandang bahay, successful na career at gumanda na siya lalo hindi hamak. But seems like she forgot to wish for a happy marriage and a faithful husband.
Nakakapanghinayang na mas marupok pa sa inaanay na kahoy ang lalaking napili niyang pakasalan. Kung sino man ang Babe na iyon na napili nitong ipalit sa kanya, gusto niyang malaman.
Ah, bago ang lahat, kailangan niya munang alamin kung ano ang nararamdaman ng 29 years old Thera para sa asawa bago siya nawalan ng alaala.
Only by then she could decide kung maluwang sa dibdib na pipirmahan ang annulment papers o gagawa ng paraan para mabawi si Sean mula kay Babe.
ORDER THE BOOK NOW TO READ THE STORY!
✨ LIMITED COPIES LEFT!!✨
Price : Php 685 + Shipping Fee❤️
EBOOK AVAILABLE ON KOBO:
BOOK 1 :
https://www.kobo.com/ca/de/ebook/fragments-of-memories-1-married-at-seventeenBOOK 2:
https://www.kobo.com/ca/de/ebook/fragments-of-memories-2-beautiful-strangerFRAGMENTS OF MEMORIES BOOK 1 AND 2 ARE NOW AVAILABLE IN READOO. JUST SEARCH FOR THE TITLE. IF YOU WISH TO BUY A COPY OF THE BOOK SIGNED BY THE AUTHOR HERSELF, PLEASE DM ME OR CALL OR TEXT 0977-3437520
BINABASA MO ANG
Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)
RomanceThe Wattys2019 Winner : Romance Category Ranked #1 in Romance Ranked #1 in Pain Ranked #1 in Broken Ranked #1 in Drama Ranked #1 in Amnesia Ranked #1 in Marriage Thera De Marco was hated and feared by many. For inexplicable reasons, within five ye...