Ang Unang Pangako

2.3K 36 1
                                    

Malamig na simoy ng hangin ang sa aki'y yumayakap,
Inaalala ang mga sandaling tayo'y nangangarap,
Na ang ating pagmamahalan ay hindi kailan man maglalaho,
Yan ang sayo'y unang pangako.

Nandito pa ang ala-ala ng bawat sandali,
Kahit na ako'y iyo nang nilisan,
Ang pangakong sayo hanggang sa huli,
Aking panghahawakan.

Kahit ba hindi na ako ang iyong pinapangakuan,
Kahit na iyong pagmamahal ay hindi na inaalayan,
Ang pag-ibig na walang kamataya'y
Hindi bibitawan.

Kahit papaano'y naiibsan ang aking pangungulila,
Sa tuwing ang unang pangako'y aking inaalala,
Wala ka man sa aking tabi'y,
Ang pag-ibig mo'y akin hanggang sa huli.

Ito ang Tula ng aking pagmamahal,
Ang tangi kong pinanghahawakan.
Isang dekada man ang sa ati'y mawala,
Maghihitay ako,
At tutuparin ang aking unang pangako.

Malayang Pag-TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon