Wala akong maramdaman,
Ni katiting na kasiyahan ay hindi ko matagpuan.
Hindi rin naman lungkot ang sagot sa aking katanungan.Ako'y lumuluha sa kawalan,
Nilulunod ako sa sariling isipan,
'Tulong' ang tanging sambit,
Ngunit wala ni isang nariyan.Huwag mong sabihing ako'y iyong naiintindihan,
Dahil hindi mo alam ang pakiramdam na tila gusto mo nalang mamaalam.Pipikit ang mata,
Pwede bang sa pagmulat ay wala nakong maalala?
Pwede bang ibang buhay na ang gampanan,
At patayin na ang nakasanayan.Ang hirap, na naghahanap ka ng kasiyahan,
Ngunit lungkot ang iyong nakikita.
Luluha na walang emosyon.
Pinapatay ng kumusyon na bumabalot sa isip.Pakiusap,
Ilayo mo ako sa dilim,
Itago mo ang patalim,
Dahil nariyan na sya,
Unti unti akong pinapatay.Andyan ang mga boses,
Hindi sila tumitigil.
Andyan ang anino ng kamatayan,
Pakiusap,
Tulong.Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lungkot.
Bigla nalang luluha sa takot.
Inuubos nya ang aking lakas,
Paano ako makakatakas?Kailangan bang gilitan ang aking pulso
Upang pati sya'y mawala ng tuluyan?
Pakiusap,
Tulong.Nagdadasal ako sa Diyos
Ngunit ako'y hirap padin.
Pagka't sa tuwing darating ang araw,
Kasunod noo'y nandyan din ang dilim.Kung darating ang araw na ako'y hindi na matagpuan,
Pakihanap ako sa dilim
Pangako ako'y iyo ulit masisilayan.

BINABASA MO ANG
Malayang Pag-Tula
Short StoryTulad ng buwan, Aalis ka din pagdating ng araw. Ngunit mas pipiliin ka, Pagka't sa gabing malamig na syang pagkumpas ng luha, ikaw lang ang saki'y nagpapatahan.