Dagat

1.4K 9 0
                                    


Tahimik na pinagmamasdan ang dagat,
Mag-isang tinatanaw ang mala kahel na ulap,
Masinsinang dinaramdam ang sikat ng araw sa aking balat,
Dinidinig ang magandang huni ng mga ibon sa alapaap.

Biglang pinikit ang aking mga mata,
Kay sarap pakinggan ng hampas ng alon,
Kay ganda ring panoorin ng kulay nito,
Dulot ng papalubog na araw sa pang-hapon.

Dagat ang aking tahanan,
Nais kong sa tabi nito'y manirahan.
Gusto ko ang haplos ng tubig,
At ang kulay ng langit mula sa pag silip ng araw hanggang sa pamamaalam nito.

Malayang Pag-TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon