Anong oras na ba?
Pasado ala una na ba ng umaga?
Kanina ka pa riyan nakaupo,
Tila naghihintay sa isang pangako.Kay tagal na rin nung una kayong nagkakilala,
Ngunit parang kahapon lang
Nung nalaman mong mahal mo sya.
Pangakong kayo kahit sumuko ang mundo,
Magpapatuloy kahit oras ma'y huminto.Ngunit nasaan na sya?
Kasabay ba sya ng hangin na naglaho sa himpapawid?
O baka hindi na nya nakayanang umahon pa, pagka't dumating na ang oras ng paglubog ng araw.Napagod na ang araw sa pagsilip sa iyong mga pangako,
Unti-unti na itong namamaalam
At pilit na sumusuko.
Hindi na nya nakayanan ang sakit na dulot ng pagmamahal nya sa iyo,
Gusto na nyang tumigil at mamahinga kahit konting segundo.Ngunit paano?
Kung ang pagmamahal na yon ay sin-tatag ng araw,
Na mula umaga'y sa iyo'y nagmamasid hanggang sa pagdating ng gabi'y hindi manlang natinag.Hindi mo sya napapansin,
Ngunit ang kulay ng araw,
Ang kanyang liwanag,
Ay syang nagpapatingkad sa kanya mula pag-usbong sa umaga,
Hanggang sa paglubog, kapag gabi'y darating na.
BINABASA MO ANG
Malayang Pag-Tula
Short StoryTulad ng buwan, Aalis ka din pagdating ng araw. Ngunit mas pipiliin ka, Pagka't sa gabing malamig na syang pagkumpas ng luha, ikaw lang ang saki'y nagpapatahan.