Mga salitang sinabi mo,
Itinatak sa puso't isip ko.
Pinaniwalang ako lang ang gusto,
Pero bakit nung "Tayo" may "Kayo".
Di pa ba sapat ang isa,
Kailangan talaga dalawa,
O baka gusto mong dagdagan pa,
Sige humanap ka pa ng iba,
Para may reserba ka.
Naniwala sa kasinungalingan mo,
Inisip na baka totoo,
Na ako lang ang mamahalin mo,
Nag-iisa lang ako sa puso mo.
Bakit merong 'Sya'
Sya na mahal mo pa,
Pinagsabay kaming dalawa,
Di ka na nakuntento sa isa.
Habang Tayo may Kayo,
Kayo na tila ba totoo,
Nasan na ang salitang sinabi mo,
Na ako lang ang syang mamahalin mo,
Na ako lang ang nag-iisa sa puso mo.
Sige't papalayain kita,
Magpakasaya kayong dalawa,
Ipaglaban mo sya,
At iwan mo na akong nag-iisa.
Tapos na ang Tayo,
Pwede nyo ng ipagpatuloy ang kayo,
Ipagpatuloy ang relasyong akala mo
ay Tama, akala mo ay perpekto.
Maging masaya ka sana sa mga oras
Na sya na ang makakasama mo,
Sa mga oras na wala na ako..
Sana'y maalala mo ang 'Tayo',
Kahit na merong 'Kayo'.

BINABASA MO ANG
Malayang Pag-Tula
NouvellesTulad ng buwan, Aalis ka din pagdating ng araw. Ngunit mas pipiliin ka, Pagka't sa gabing malamig na syang pagkumpas ng luha, ikaw lang ang saki'y nagpapatahan.