Ulan

1.7K 9 0
                                    

Hindi na kinaya ng ulap ang bigat na kanyang dinadala,
Unti-unti na itong pumapatak,
At pilit na ibinabagsak ang kanyang mga luha.
Gusto mang tumahan,
Ngunit patuloy sa paghagulgol ang langit,
Kumawala na ang ulang inipon mula sa sama ng loob at hinagpis.

Katulad ka rin ba nya na puno ng galit?
Sumabog at ngayo'y nagdadala ng takot gamit ang mga kulob sa langit.
Wag mong hayaang lamunin ka ng iyong emosyon,
Pilitin mo sanang tumahan at tanggalin na ang kumusyong;
Nakabalot sa iyong sarili.

Itahan mo ang iyong mga luha,
Hindi ito ang panahon upang maging mahina.
Lakasan mo ang iyong loob,
Gamitin mo ang kulob;
Hindi para ipagsigawan ang iyong sama ng loob,
Ngunit para ipakitang ika'y matatag,
At kailan ma'y hindi magagawang matinag.

Ayos lang ang minsang pagpatak ng luha,
Ang minsa'y magpakababa.
Ang ulan nga'y nagagawang pumatak,
Oras na ang ulap ay hindi na nakayanang humawak,
Sa bigat na kanyang pinapasan.

Gaano man ang pagpatak ng ulan,
pagtapos nito'y ang muling pagliliwanag ng kalangitan,
Giginhawa ulit ang paligid,
Katulad ng iyong nakasanayan.

Malayang Pag-TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon