Mga hikbing pilit na itinatago
Mga hinanakit na maririnig lang sa isang sulok ng kwarto
Tanging dilim ang nagsisilbing sandalan
Sa tuwing ang malamig na gabi'y sisibol na namanTanging mga unan ang yakap
Sa tuwina'y ang luha'y kukumpas
Walang kasiguraduhan ang umaga
Ang mga mata ba'y nanaising ibukas?Nanaisin mo bang gumising
Kung ang bubungad sayo'y bungangang walang tigil
Matang mapanlisik
Boses ng mga taong sa kalayaa'y pumipigilPilit na ibinababa ang aking pagkatao
Pinamukhang sa buhay ay hanggang dito lang ako
Na hindi na gugustuhin pang lumipad ng malayo
Pagka't hindi pa lang naguumpisa'y pinutol na ang pakpak mo'Tanga' ang sarili'y tingin
Hindi gustong sumubok
Pagka't takot magkamali
Yan ang salitang aking kinalakhan
Yan ang aking nakasanayan
Gustuhin mang alisin sa isipan
Paano? kung araw-araw ang taong nagsabi nya'y kasama parin hanggang sa susunod na bukas.

BINABASA MO ANG
Malayang Pag-Tula
Historia CortaTulad ng buwan, Aalis ka din pagdating ng araw. Ngunit mas pipiliin ka, Pagka't sa gabing malamig na syang pagkumpas ng luha, ikaw lang ang saki'y nagpapatahan.