This story is work of fiction. Any resemblance to real people , organizations or laws is purely coincidental.
Chapter I: Intruder
Third person's POV
Isang dalaga ang naglalakad sa madilim na eskinita. Di na bago sa kanya ang maglakad sa lugar na iyun, ang pinagtataka nya ay ang malaki at lumang masyon na ngayun nya lamang napansin.
Madalas naman syang dumadaan sa eskinitang iyun pero ngayun nya lang mapansin ang bahay na ito. Isip ng dalaga.
Kitang kita sa muka ng dalaga ang iba't ibang hilahil sa kanyang isipan. Pero nii isa ay hindi nya masagot.
Alam nya hindi masasagot ang mga tanong nya kung hindi sya lalapit sa bahay na iyon.
.
.
.
.
Hindi napansin ng dalaga na nasa harap na siya ng malaki at nangangalawang na tarangkahan ng mansion.
Napahawak sya sa nangangalawang na bakal ng tarangkahan habang pinagmamasdan ang mansyon.
Nagulat sya ng ito ay gumalaw ng bahagya.
'Hindi nakakandado ang tarangkahan?'
Pagtataka nya
Alam nyang mali ang kanyang gagawin pero ayaw nya ng mag isip pa ng mag isip tungkol sa mahiwagang bahay.
Dahan dahan nyang binuksan ang tarangkahan at pumasok dito.
Sa sandaling inipalapat nya ang kanyang mga paa sa patay at tuyong lupa ng mansyon, nakaramdam sya ng kakaibang pakiramdam.
Gusto man nyang umatras na at iwan na ang lugar, hinde nya magawa dahil may kung anung pwersa ang humihila sa kanya papalapit sa mahiwagang bahay.
Napako na ang mata ng dalaga sa napaka laking pinto ng mansion.
Dahan dahan nyang hinawakan ang tangnan ng pinto at pinihit ito.
Bahagyang bumukas ang pinto....
dahan dahan at maingat nyang binuksan ang pinto..
Isang lugar na nababalot ng dilim ang tumambad sa dalaga
.
.
.
Dilim na nagdadala ng malamig na simoy ng hangin at nagpatindig ng balahibo nya.
Umapak sya sa sahig ng mansyon at sinubukang aninagin ang mga bagay bagay sa loob ng bahay.
Kinilabutan ang dalaga sa mga nakita nya sa bahay...
Mga statwang nakakatakot, tulad ng isang statwang may mahabang sungay, matatalim na ngipin, matang matatalim na wari'y sya ang tinititigan, mga naghahabaang kuko,at hitsura nitong parang halimaw. Isa lamang yan sa kanyang mga nakitang statwa. May roon pang mga nangangalawang na baluti na parang pinapanood ang bawat hakbang nya, mga painting na nagpapakita ng pagdudusa ng isang tao.
Napahugot sya ng malalim na paghinga ng biglang humangin ng malakas at pakalampag na sumara ang pinto.
Ang ingay ng pinto ay lubos na gumising sa kanya.
'Malidilim at nag-iisa sya sa isang nakakatakot na bahay"
Isip nya..
'Paano ba ko nakapasok sa lugar na toh"Tanong ng dalaga sa sarili.
BINABASA MO ANG
blood and love. The Heart Of Witch
VampirePanahong 16's nabuo ang sigalot sa pagitan ng mga BLACK SORCERERS at VAMPIRES. Nagsimula ito sa Pagpatay nii HELENA SCARLET na isang BLACK SORCERER sa sarili nyang mga magulang, matapus ituro sa kanya ang book of spell ng mga black sorcerers. Pinat...