Chapter XXXIX: HER JOURNEY
*300 YEARS AGO*
"Auuuuurrrrrggggghhh!"Bago ko marating ang puno sa gitna ng gubat nagpakawala ako ng malakas na daing dahil sa sakit ng buong kalamnan ko.
Sumandal ako sa puno na nilagyan ko ng marka bago ako sumabak sa laban.
Kahit halos hindi ko na maigalaw ang mga braso sinubukan ko pa ding hanapin ang papel na inilagay ko sa paligid ng puno.
*Cough cough*
Agad kung tinakpan ang bibig ko dahil sumuka ako ng dugo.
Ilang sunod-sunod na mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko bago ko makita ang papel.
Ang akala ko hindi ko na kakailanganin ang tulong nya. Dahil imortal ako at hindi ako mamatay...pero hindi ko inaasahang....lubhang malakas pala ang Revenant na yun! Hindi ako sigurado kung napatay ko sya...pero hindi ako makakapayag na mamatay ako! Kaya kung tumanggap ng pagkatalo ng kahit ilang beses pero hindi ang pagkamatay! Hinding-hinde! Hanggat hindi pa ko nagtatagumpay sa mga plano ko!!
Hindi pa ito ang tamang panahon para makita ko ang mga magulang ko sa impyerno!
Kinuha ko ang athame sa ilalim ng suot ko at hiniwa sa pulso ko. Pinatak ko sa papel ang dugo ko at nagsambit ng mga salita.
Lumabas ang itim na liwanag sa dii kalayuan...
"Mahal ko!"Saad ng lalaking lumabas sa itim na liwanag.
Agad syang tumakbo papalapapit saken, hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos ang muka ko.
"Ga-gawin mo...na...."Nanghihinang sambit ko.Sabay suka nanaman ng dugo.
"Pero...."Nagdadalawang isip na sagot nya.
Alam kung tutul sya dahil pinag aaralan nya pa lang ang spell ng reingkarnasyon.
Pag hindi bihasa ang nagsagawa nito maaring tuluyang mamatay ang pinaggagamitan ng spell o walang kasiguraduhan kung kelan, saan o paano sya makakabalik sa mundo.
Pero ito lang ang tanging paraan!
Kayang pumatay ng imortal ang dugo ng Revenant na yun. Kung hindi nya gagawin....mas lalong walang kasiguraduhan ang buhay ko.
"Gawin mo na!"Galit na saad ko sabay suka ng dugo.
Yumuko sya at tila ba nagiisip pa. Pero tinunghay nya ang ulo nya makalipas ang ilang sigundo.
May luha sa mata nya ng tingnan nya ako.
Tumayo sya at umatras ng sampong hakbang mula saken.
Nagsimulang magliwanag na itim ang paligid nya at ganun din ang saken. Hugis pentagram ang hugis na lumabas sa paligid ng puno
"Hahanapin mo ko..diba mahal ko?"Sambit ko bago ako lamunin ng dilim
"Oo...mahal ko... hahanapin kita."Sagot nya kasabay ng pagtulo ng luha nya.
******
Ng imulat ko ang mata ko.....
Malawak na kadiliman...tila ba walang katapusang dilim.
Yan ang sumambulat sa mata ko.
'Patay na ba ako?'
Yan ang unang tanong sa isip ko.
Ayokong maniwalang patay na ko kaya nagtatakbo ako sa kawalan.
Hindi ako napapagod o nagugutom sa kakatakbo. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pangangambang hindi na ko makabalik pa sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
blood and love. The Heart Of Witch
VampirosPanahong 16's nabuo ang sigalot sa pagitan ng mga BLACK SORCERERS at VAMPIRES. Nagsimula ito sa Pagpatay nii HELENA SCARLET na isang BLACK SORCERER sa sarili nyang mga magulang, matapus ituro sa kanya ang book of spell ng mga black sorcerers. Pinat...