Chapter XIV: A few mistake ago

86 1 0
                                    

Chapter XIV: A Few Mistake Ago

Zack's POV

*Dream*

Isang dalaga ang nasa harapan ko.

Sinisipsip nya ang dugo ng taong nasa harap nya hanggang sa malagutan ito ng hininga. Kalat ang dugo nya sa labi at kamay. Maya-maya ay tumulo ang luha mula sa kanyang magagandang mata.

"Ginawa ko toh?"Tanong nya na may halung pagkagulat at takot.

Binaling nya ang tingin nya saken habang umiiyak.

Tumulo ang luha mula sa kanyang mata habang pinagmamasdan ang mga kamay nya na puno ng dugo.

"Bakit hinayaan mung gawin ko toh?"Nakita ko ang pagkamuhi sa mga mata nya kasabay ng mga luhang pumapatak mula sa mata nya.

"Ginawa mo kung halimaw."Sambit nya na nagpabiyak ng puso ko.

Ako?

Ako ang may gawa nun sa kanya?

"Halimaw-Halimaw na ako." Sambit nya.

Ginawa ko syang halimaw?

Sinubukan ko syang hawakan pero ng gawin ko yun...

Unti-unti syang nalulusaw...

At nagiging dugo.

.

.

.

Patuloy nyang sinasabi ang katagang...

"HALIMAW NA AKO. GINAWA MO AKONG HALIMAW"

Kada sasabihin nya yun...

Parang pinapatay ako...

Ako ba ang gumawa nun sa kanya?

Tuluyan na syang nalusaw at naging dugo.

Tumingin ako sa mga kamay ko...

Puno ng kanyang dugo ang kamay ko.

"AKO ANG PUMATAY SA KANYA"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko...

Ako ang pumatay sa pinakamamahal ko...

Isa akong halimaw...

Nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog.

Hinawakan ko ang pisnge ko at naramdaman kung basa pa ito.

Hindi ko namalayang...

Patuloy pa pala ako sa pagiyak...

"PINATAY KO SI SARAH..."

Nasambit ko sa sarili ko.

Keisha's POV

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng kaluskus.

Dahan-dahan kung binuksan ang mata ko at kinusot ito...

Ng luminaw na ang mga nakikita ko...

(O_O)!!

"Zack?!!"

Nanlaki ang mata ko ng bumungad Ang muka nii Zack.

Nakakagulat naman tung sii Zack. Nasa paanan sya ng kama ko at nakatayo.

"Ka-kanina ka pa ba dyan?!"Dii sya sumagot lumakad lang sya papalapit saken. Umupo sya sa side ko.

Errr!! Ang weird nya(>______<) creepy!

"Natatakot ako."Sambit nya ng may nalulungkot na tinig.

Inihiga nya ang ulo nya sa dibdib ko.

dub dub dub dub dub dub 

blood and love. The Heart Of WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon