Kakatapos ko lang I-stalk yung Nerdy Boy na yun nang biglang nag-appear yung pangalan niya sa inbox ko.Aba nagmessage si kuya mong Nerdy Boy ah Hehehe.
NERDY BOY:Hi !
Ayy pak ! May pag-HI si kuya mong Nerdy Boy.Mareply-an nga.
MAECHELLE:Hello.Sino po sila ?
Sumagot kaya ??? Tignan natin kung magrereply.Bigla namang nagpop-up yung messenger ko.Aba nagreply si kuya.
NERDY BOY:Umm,just call me Nerdy Boy.
Natawa naman ako dun sa reply niya.
MAECHELLE:Ok,sabi mo eh.Ano po palang kailangan niyo ? Mr.NERDY BOY ?
Sinend ko yung message ko sa kaniya with emphasizing his name NERDY BOY.Ang weird kasi ng name niya.Nerd rin naman ako pero totoong pangalan ko ang nilagay ko.
NERDY BOY:Gusto ko lang namang makipagkaibigan.Ok lang ba ?
Napahagalpak ako ng tawa ng mabasa ko yung nireply niya.Seryoso ba siya ? Gusto ba talaga niya kong maging kaibigan ?
MAECHELLE:Hahaha seryoso ka kuya ?Gusto mo talaga akong maging kaibigan ?
NERDY BOY:Oo naman.Bakit hindi ka ba naniniwala ?
MAECHELLE:Naniniwala naman.Kaya lang ang impossible naman kasi.Kasi naman,Ikaw ? Makikipagkaibigan sakin ? Ang panget ko kaya.
NERDY BOY:Yun lang ba?Anong tingin mo sa sarili mo,hindi pwedeng maging kaibigan kasi panget ? Ano ka ba ? Hindi sukatan ang itsura para kaibiganin ang isang tao.Okay ?
Wow ! Haba ah.Payagan ko na kaya 'to ? Sige na nga,mukha naman siyang mabait eh.
MAECHELLE:Haba kuya ah,speech lang kuya speech ? Sige na nga.Naninigurado lang naman eh.
NERDY BOY:Weh? Seryoso ?
Ayy,di pa convince ?
MAECHELLE:Ayaw pa ? Sige babawiin ko na lang.
NERDY BOY:Hindi,Hindi.So,Friends ?
MAECHELLE:Friends.=)
After ko I send yun,tinignan ko sa wall clock kung anong oras na,11:00 PM na pala.Lagot baka malate ako ng gising bukas.Nagtype ako ulit ng message.
MAECHELLE:Sige Mr.Nerdy boy bye na.May pasok pa ko bukas eh.Babye.
NERDY BOY:OK Goodnight.
*seen*
After kong mabasa yung message niya sineen ko na yun inaantok na kasi ako.
Ang saya ng gabing 'to.Biruin mo may tao palang gustong makipagkaibigan sa'kin ? Akala kasi wala na eh,minsan kasi ayaw akong kaibiganin.Dahil sa itsura ko pero thankful akong mayroon pa pala,sana lang eh gusto niya talaga ako maging kaibigan.
------------------------------------------------------------------
A/N:Pasensiya na po sa late update.Nabubusy po kasi ako eh malapit na po kasi yung DSPC namin.So yun,thankful po ako sa naglagay nitong story ko sa reading list.Appreciate na appreciate ko po talaga.Thank you po sa pagbabasa,sana po subaybayan niyo pa po yung story ko.-bluemessiah
YOU ARE READING
When Ms.Nerdy Girl Meets Mr.Anonymous
Teen FictionAraw-araw,makakikilala at makakasalamuha natin ang iba't ibang tao.At sa araw-araw na iyon ay mayroon kang makababangga o masasagi.Pero sa dinami dami ng mga taong iyon ay mayroon palang taong hindi mo aakalaing magiging parte ng buhay mo at ang min...