Kakauwi ko lang galing school.Pagod na pagod ako.Nagpractice rin kasi kami ng paglalakad ala beauty queen ni Jeca.Grabe sakit sa paa.Ang tataas ng heels.Kainis,bakit pa kasi nasama pa ako dun ? Ano bang ilalaban ko run ? Mabuti kung question and answer portion lang 'yun eh.Kaya lang hindi eh,beauty pageant 'yun at 'yun ang wala ako.Beauty.
Nasa tapat na ako ng bahay namin.Nakabukas ang gate kaya hindi na ako nagdoor bell pa at dumiretso na ng pasok.
Nakita ko ang car ni Papa,nakaparada sa garahe namin.Andito na pala siya.Kakatokin ko sana ang pinto pero nakita kong medyo nakabukas ito kaya pumasok na ako.
Pagpasok ko ay walang mama ang sumalubong sa akin.
Nakakapagtaka naman.Wala si mama rito.Asan kaya siya ? Wala rin si Papa ? Eh nakapark ang kotse niya sa garahe.Asan na ang mga tao rito ?
Dahan dahan akong naglakad paakyat ng kwarto ko.
Nagbihis na muna ako pagpasok ko sa kwarto.Nakaramdam ako ng gutom kaya minabuti kong bumaba sa kusina para kumain.
Habang naglalakad ako ay nakita ko sina mama at papa.Agad akong napahinto at nagtago sa sulok para magtago ng makita kong parang nag-aaway sila.
"Bakit ba lagi ka nalang umaalis ? Hindi ka man lang nagpapaalam.Ano bang nagyayari sayo ?"nong ni mama.
"Wala."sabi ni papa.
Parang hindi naman yun yung appropriate na sagot ah.Ito na yata 'yun.
"Rex magsabi ka nga sa'kin,may ginagawa ka bang milagro ?"
"Wala nga ! Bakit ba ang dami mong tanong ? Pinagdududahan mo ba ako ?"sabi ni papa.
"Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko ?"
"Anak naman ng . . .Mich naman ! Sa tinagal tagal nating mag-asawa ngayon mo pa ako pagdududahan ?"
"Bakit hindi ? I was noticed those changes in you.Lagi ka na lang late umuuwi.Lagi mong sinasabing may aasikasuhin ka lang sa business natin pero pag dadaanan kita wala ka doon.Tapos yung damit mo pag umuuwi ka,amoy pabango ng babae.Ngayon sabihin mo,bakit hindi ako magdududa ?"
YOU ARE READING
When Ms.Nerdy Girl Meets Mr.Anonymous
Teen FictionAraw-araw,makakikilala at makakasalamuha natin ang iba't ibang tao.At sa araw-araw na iyon ay mayroon kang makababangga o masasagi.Pero sa dinami dami ng mga taong iyon ay mayroon palang taong hindi mo aakalaing magiging parte ng buhay mo at ang min...