Chapter 13-Why me ?

23 1 0
                                    

Maechelle's POV

Nasa akin parin ang violet envelope galing dun sa lalaking humarang sa akin sa library at ngayon ko lang talaga nasipat ito.Ang simple lang ng envelope.Walang kadesign design pero sobrang linis.

May magbibigay kaya sakin ng ganito ? Tss ! Erase ! Erase ! Napasapo nalang tuloy ako sa noo ko sa naisip.

Asan na ba si Jeca ? Nang maiabot ko na 'to.Kung ano ano na yung naiisip ko eh.

Maya maya ay nakita ko si Jeca na nagbabasa ng libro sa may school garden kaya nilapitan ko siya.

"Uy Jeca !"sabi ko.

"Maechelle ikaw pala.Bakit ?"tanong nito.

"May nagpapabigay."sabay abot ko nung envelope.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Hala ang cute violet ! Akin na !"isip bata nyang sabi saka kinuha ang envelope.

"Kanino galing ?"dagdag pa niya.

"Ewan.Basahin mo na lang."tugon ko.

Habang binubuksan niya ang envelope at namangha ako.Kasi sa unang tingin,parang simpleng sobre lang ito pero pag binuksan mo ang ganda pala.Maraming cut outs na puro heart ang nakadikit sa palibot ng isang papel.Halatang nagtiyaga talaga yung lalaking nagbigay.Isa palang hand written love letter iyon.Ang romantic ! Ang swerte naman ni Jeca.

Tinitignan ko si Jeca habang binabasa niya ang laman ng envelope.Namumula siya nun pagkatapos basahin.Binungaran ko tuloy siya ng,

"Jeca namumula ka."

"Huh ? Uy hindi noh."sabi niya pa saka hinawakan ng sabay ang magkabila niyang pisngi.

Ang cute niya kiligin.

"Ang romantic naman."sabi ko.

"Nice."sabi ni Jeca.

"Nice lang ?"tanong ko.

"Oo.Bakit ? May iba pa ba dapat icomment ?"back up niyang tanong.

When Ms.Nerdy Girl Meets Mr.AnonymousWhere stories live. Discover now