Chapter 17-Preparation

38 4 0
                                    

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ko.

Leche ! Sino kaya 'tong kulang na lang sirain 'yung pintuan ng kwarto ko ? Kagigil ang aga aga eh !

Walang gana akong umupo sa higaan ko.Napasigaw na lang ako ng malakas habang nakapikit.

"Kung sino ka man pumasok ka ! H'wag mong sirain pinto ko !"

Maya may pa ay bahagyang bumukas ang pinto.Sa totoo lang ayokong talaga ng bumubukas ang pinto ko. Ang creepy kasi ng tunog parang sa horror.

Ilang saglit pa ay isang babae ang iniluwa nito.Napatitig lang ako sa babae.

Sino 'to ? Hindi naman siya si Mama.

Nakilala 'ko lang siya nung magsalita siya.

"Um,why are you staring at me Maechelle ?"

Psh ! Si Jeca pala.Hindi ko kasi siya maaninag masyado.Wala kasi akong suot na eyeglasses.

Kinuskos ko muna 'yung mga mata ko tsaka kinuha ang eyeglasses ko sa ibabaw ng cabinet at isunuot iyon.

"Ano palang kailangan mo bi ? Ang aga mo ah."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay nangunot ang noo ni Jeca.

"Bakit ?"I ask.

"You didn't remember ?"

Binato ko siya ng curious look.Hindi ko talaga alam kung ano 'yun.

"So,di mo talaga alam kung anong gagawin natin ngayon ?"

Umiling lang ako.

"Oh...my...genes !"

"Ano ba kasing meron ?"

"So,hindi mo talaga alam noh ?"

"Hindi nga ! Magtatanong ba ko kung alam ko."

When Ms.Nerdy Girl Meets Mr.AnonymousWhere stories live. Discover now