Chapter 2

2.2K 46 9
                                    

Asher Nicole's PoV

Natapos na akong maghugas ng pinggan. Pinunasan ko na rin ang lamesa. Kasalukuyan akong umiinom ng gatas ko nang biglang nagsalita si Mama. "Dito na lang kaya kayo matulog, ngayon lang, it's 10 o'clock na. I'm sure pagod na kayo at ayaw niyo nang maglakad pauwi."

Nabuga ko ang iniinom kong gatas, nasamid pa. "Ma! Dalawa lang ang kwarto natin dito!" ‘Ayaw na nilang maglakad? Edi gumapang!’

"Aba, sa sofa ka matulog, dito mismo. Tabi kami ni Alice. Sa kwarto mo si Jharyl."

"HA?!" Sigaw ko. "Ayaw mo?" Tanong niya. "Ayaw."

"Ayaw mo sa sofa. Baka naman may porn----"

"Hindi ako ganoon. MAMA!" Natawa naman ang mag-ina. "Wala pala eh. Edi sige. Magtabi kayo ni Jazha."

"ANO?!" Baka mapaos ako nito bukas, kanina pa ako sumisigaw.

"No problem with me. As long as I can sleep peacefully." He smiled. "Accept your defeat, Nickey. Panik na." Sambit ni Mama, and I pouted, pero agad ko namang sinunod iyon.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto. Nagulat naman siya nang makita niya ang loob ng kwarto ko. "Luh, anong reaksyon 'yan? Ngayon ka lang nakakita ng kwarto?" Sarkastikong saad ko.

"Hindi. I'm just amazed na walang stuffs na too feminine or girly dito, I thought meron."

"Sorry to disappoint you but I'm not that type of a girl. Walang kamake-up make-up kit diyan. Collections lang ng bears at figurines ang nandiyan, isama mo na rin ang mga libro."

"You like... Conan? Even your bedsheet and blanket. Anong title ng anime na yan?" He asked. "Naman. Gusto ko ngang maging detective balang araw eh. Tokyo Ghoul." Sabi ko. Oops, masyado na akong madaldal to the point na nakalimutan kong tabi nga pala kami matutulog.

"Tama na ang dada. Matutulog na ako. Goodnight." Tumagilid ako at pumikit.

"Ang dami mong unan diyan, pahingi ng isa." Sabi nito. Ibinigay ko naman ang isang piraso ng unan. "Pashare na rin sa kumot."

"Maikli lang 'tong kumot ko."

"Edi lumapit ka rito. 'Yan. Oh? Bakit namumula ka?" He chuckled. "Peste ka!" Tumalikod na ako sa kanya. I can't sleep, pero sanay naman akong may kasama matulog noong buhay pa si Kuya. Or, inaatake na naman ako ng insomnia?

***

Alas tres na ng madaling araw at gising pa rin ako, dilat na dilat ang mata, ni hindi nakakaramdam ng antok. Pesteng insomnia. Tumagilid ako at saktong bumungad ang mukha ni Jha. Sana hindi ko na lang pala ginawa.

I stared at his almost perfect face. His eyelashes, nose, lips- - - Charot. Ang perverted tignan! "Tapos ka na bang tingan ang mukha ko?" Saad nito. "H-Hindi ka pa tulog?"

"Obvious ba?" Dumilat siya at ngumiti sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Namamahay ako. Ikaw?" Tanong niya. "Insomnia." Sagot ko naman. I yawned. Bigla naman akong inantok at nakatulog. But before I shut my eyes, I heard him say, "Sleep well."

***

"GISING NA MGA HANGAL!" Napadilat ako. "ANONG GINAWA NINYO KAGABI AT PAGOD NA PAGOD KAYO?! BUMITAW KA SA PAGKAKAYAP, NICKEY!" Saka ko lamang napansin na ---

Hala! Nakayakap ako sa kaniya at ganoon din siya. "SAGOT!" Narinig kong tumatawa na sa likuran niya si Tita. "Tanggalin mo nga 'yang kamay mo! Hoy!!" Sigaw ko at pilit na tinutulak siya. "10 minutes.... Inaantok pa ako..." He said in a raspy voice. "Walang ten-ten minutes dito!"

"Keep calm and let them be, Jem. Namamahay siguro 'yang si Jharyl kaya ganiyan." Napasimangot si Mama. "Ganoon? Oh, ikaw, Nickey. Anong alibi mo?" She arched a brow on me. "Baka naman ano ginawa niyo kagabi----"

"Ma! Una porn, tapos ngayon- grabe. " I made a face. Hindi pa rin ako makatayo dahil ayaw alisin nitong katabi ko ang kamay niya na nakapulupot sa katawan ko. "Why are you accusing me such things?"

"Huwag mo akong maingles-ingles. Wala ka sa Amerika, nasa Pilipinas ka! Pilipinas!"

"Edi sana Ma wala nang English subject rito sa Pilipinas. Wala na ring Math, Science etcetera." Saad ko. Pilit ko pa ring tinutulak ung lalake. "OYYYYY! TANGGALIN MO KAMAY MO!" Sigaw ko.

"Hmm..... Good Morning." Bati niya.

"Anong good sa morning? Walang ganoon." Sabi naman ni Mama. "Oh siya. Uuwi na muna kami ni Jha." Sabi niya at tumayo na ang unggoy.

"No way high way path way hallway. Kakain muna kayo rito." Maawtoridad niyang sambit. "Hindi pa kami tapos mag-ayos ng bahay."

"Tutulangan namin kayo. Kumain muna tayo. Maligo ka muna diyan, pahiramin mo 'yan ng damit, kasya naman iyon, since mahilig ka sa oversized shirts." Mama winked at me. Ugh? Paano ang und--- I blushed when I realized what was I thinking.

"Peram ako ha?" I nodded. "Pero paano ang und----" I closed my ears and start saying nonsense things just not to hear the word. "Stop! Nasa kwarto ni Mama. Sa cabinet, hindi pa gamit iyon at bago pa. Mamaya ko na ibibigay ang gagamitin mong damit." Sabi ko at tumakbo papuntang cr. "Geez."

10/21/18

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon