Chapter 39

1.1K 35 3
                                    

Asher Nicole's PoV

Nagising ako sa lakas ng tunog ng isang bagay na hindi ko alam kung saan galing, minulat ko ang mga mata ko at nakitang nandoon silang lahat.

Napabangon ako ng mabilisan, as in mabilisan kaya nahulog si Jha mula sa kama, "Ang aga niyo namang umuwi?" Tanong ko sakanila, nagmamaang-maangan.

"Kanina pa namin kayo ginigising, ang dami na naming ginamit na bagay na magkakagawa ng malakas na ingay dahil hapunan na! Magkayakap pa kayo natulog, anak ng tokwa naman, oo!" Napasapo si Mama sa noo niyang malapad - cheret lemengs.

Teka, 7:32 na ng gabi? Ilang oras ba ako natulog? Alam ko nakatulog ako mga 11, ganon basta malapit dun... 'Ang haba nga... Put-!'

Sinipa ko sa pwet ang napakapangit kong alaga nang sobrang lakas, "Jharyl gumising ka na!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi pa siya bumabangon, ang lakas na ng sipa ko ah!

Bigla siyang umupo na parang aataki sa'kin tapos sinipa ung paa ko gamit ung kanang paa niya.

Tangina, tumama 'yung ilong ko sa bookshelf, "Aba't nababaliw ka na ba!?" Sigaw ko, napahawak ako sa ilong ko.

'HALA GAGU MAY DUGO!' Pagbaling ko ng tingin sa lalaking 'yon, tulog na naman. Gusto ko siyang bangasan dahil sa lakas ng agos ng dugo, pumunta kagad ako sa banyo para hugasan kamay ko at gamutin 'yung sarili ko.

"Humanda ka sa'king abno ka, sakit ng ilong ko putragis. Mukhang napango."

"Hmm? Pango naman 'yan dati pa ah?" Sambit ng kakagising lamang, hindi niya yata narinig 'yung naunang sinabi ko.

"Ha! Kasalanan mo 'to, ugok!"

"Profanity is inappropriate-" Pinutol ko ang sasabihin niya, "Wala akong pakeeeeee! Lumayas ka sa kwarto ko wengyaaaaa!"





A/N:
Wow cool post, thanks for sharing. Cheret, thanks for the 5K!

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon