Chapter 21

971 25 5
                                    

Asher Nicole's PoV

Pagkatapos naming mag-bangayan nakatulog ang loko, tumingin ako sa orasan, ala-una na pala 'di pa rin ako makatulog. Siguro dahil sa haba ng tulog ko kanina yata 'yon o kahapon.

Epekto ng alak, wala kong maalala. Dapat kasi nagtanong muna ako bago uminom e. Nakita ko pa ngang ang daming nakalagay sa lamesa na pagkain, napatingin ako sa kalendaryo sa may tabi ko, November 18...

Biglang nag-flashback lahat ng kinalimutan kong ala-ala tungkol sa kuya ko at papa ko, but I shrugged it off. Sanay na ako, matagal ko nang tanggap na wala na sila.

Tumingin ako sa mukha ni Jharyl, "Bakit ang gwapo nito kahit tulog?" I chuckled.

"Alam mo bang unti-unti na akong nahuhulog sa'yo?" Tanong ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula rito. Mas mabuti na 'yon baka bumagyo nang malakas kung narinig niya 'yon. "You made me feel special more than Drace did. You're the ideal man, pfft, Mr. Perfect."

Inangat ko ang ulo niya at tumayo bago siya buhatin papunta sa kwarto ko. "Ang bigat ng lalaking 'to, mas madaling buhatin sa likod kaysa sa buhat prinsesa."

Kinumutan ko siya bago bumaba at natulog sa sofa.

Kinabukasan, nagising na lang ako nang may kumalampag na takip ng kaldero malapit sa'kin, "Holy crap!"

"Gumising ka na, alam mo bang tanghali na?" Tumingin ako sa orasan at nakita kong 12:21 na, dali-dali akong kumilos na parang may pupuntahan.

Paano, nakakatakot si Mama e. "Ma? Pupuntahan ba natin sila?"

"Hindi."

"Bakit, Ma?"

"Kasi buhay sila."

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon