Chapter 12

1.1K 30 3
                                    

Asher Nicole's PoV

‘P-Putsanggala.... Ang bigat..... Magpapacheck-up ako kapag may oras, parang may nawala sa pwesto eh.’

"Bakit nakakunot-noo ka?" Tanong nito. "Wala kang pake." Pagsusungit ko.

"Ibaba mo na ako nang---" Walang alinlangan ko siyang binitawan. "---maayos... Anak ng-!" Siya na nga nagpabuhat, siya pa may ganang mambato ng sapatos! Wow, nahiya ako!

"Hoy, 'wag mo kong mabato-bato ng sapatos, baklang 'to! Iniistres mo ako! Diyan ka na nga." Sinamaan ko siya ng tingin pero sa isip ko ay natatawa na ako. ‘Paano kaya siya makakauwi? Nasa akin pa naman 'yung isang pares ng sapatos niya. HAHAHAHAHA! Pu---’

"Bumaba ka. Kingina!" Singhal ko, sinakyan ba naman ako ulit?!? "Ibigay mo muna sapatos ko." Utos nito, padabog kong hinagis 'yon sa baba.

Sa inis ko, sinipa ko 'yung pwetan niya. ‘Nice, nguso-shot.’

"Aba't-! Namumuro ka nang babae ka ah! Babae ka ba talaga?" Dinuro pa ako ng loko. Tch.

"Ikaw, lalaki ka pa ba sa sobrang ingay ng bunganga mo?" Napangisi ako, nakita kong sumama ang mukha niya.

"Sa'yo lang naman ako ganito kaingay, swerte ka nga, nakakausap pa kita."

"Hindi nga lang matino." Nagkibit-balikat ako. Nagulat na lang ako nang umupo siya sa unahan ko. "Sakay." May sumilay na ngiti sa'king labi, isang masamang ngiti.

"Bilisan mo, makupad ka! Pagong ka ba?!" Sumbat ko. "Ahhhh, dahan-dahan, malalaglag ako! Kingina kang bakla ka!" Lalo niya pang binilisan, halos tumakbo na.

‘Sana pala 'di ko na inasar, mukha na akong bruha sa itsura ng buhok ko. Tch.’

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon