Chapter 16

1K 24 6
                                    

Asher Nicole's PoV

"May iba ka pa bang natatandaan na sinabi niya?"

"Meron, ‘Naniniwala ka naman siguro sa red string of fate, noh? Kase ako oo, kahit magkahiwalay daw ang nagmamahalan, pagtatagpuin pa rin sila ng tadhana.’ Ang talino niya na kahit bata pa." Napahalakhak siya, pero bakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

‘Ako ang nagsabi ng mga salitang 'yon, dahil nahiwalay ako sa papa't kuya ko ng maaga..’

"Hindi niya rin daw ako iiwan kasi, mahal niya raw ako... Pero ginawa niya pa rin. Ang tanging naiwan sa'kin ung picture naming dalawa." Inilabas niya ang wallet niya at pinakita sa akin ang picture. 

Napamura ako ng pabulong, "That's me! Tinanong kita nang tinanong dahil may mga memories na nagflashback sa utak ko! Kingina, hiyang-hiya na ako! Forget about me calling you ‘Asawa ko’!" Napasabunot ako sa ulo ko at binaon ang mukha ko sa tuhod. 

"Hahaha, alam kong ikaw 'yung babaeng nakilala ko noon, Le." Napatingin ako sa kaniya, "Paano?"

"Nagtanong ka pa kung paano, 'pag mahal mo ang isang tao kilala mo pa rin ito kahit nagkahiwalay kayo ng matagal.... Pero bakit ka nga ba umalis? Bakit mo ko iniwan?" Kunot-noong sambit nito. 

"Nawala ang papa ko, pati na rin ang kuya ko.. Everything changed when the fire nation attacked.." Binatukan ako ni Jharyl nang sabihin ko ang isang linya sa Avatar.

"Kingina, ginagawa mong biro ang pagkawala nila!"

"Hoy! Maghanap ka ng punch line mo, 'wag ang ‘Kingina’! Akin 'yon!" Napatawa kami sa kagagahan na pinagsasabi namin.


Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon