Spoken Poetry
Pangarap
ni mjemeranoAng saya pala no?
Na ganito tayo.
Walang inaalala,
Walang dinarama.Nakahiga sa damo,
Habang nakatingin sa mukha mo,
Nakatulala sa bituin,
Na walang sawa sa pag ningning.At nasabi na kahit minsan sa buhay ko,
Alam kong naging masaya ako,
Sa piling ng katabi ko,
Sa piling ng taong mahal ko.Minsan nang nag ka Tampo,
Nagalit at nag talo,
Ngunit nais kong sabihin mahal ko,
Na ikaw at ikaw lang ang laman nito.Bakit nga ba nagkaganito?
Na tuwing nan diyan ka ay natutuliro?
Habang buhay na nga bang ganito?
O magbabago ka rin sa dulo?Mahal kita at mahal mo ako,
Sana ganito na lang tayo.
Nakahiga sa damo,
Habang yakap ang mahal mo.<~~~>
Dedicated to Jass_Diaries as requested sa Messenger. Out of three eto yung nagustuhan niya! And hope na magustuhan niyo.. Share your thoughts!
~ mjemerano ~
<~~~>
BINABASA MO ANG
People Facts
RandomA Life Begin With A Fact And A Fact start a Life. EnglishXTagalog Highest Rank #266 last 10/11/17 in Random Highest Rank #143 last 10/11/17 in Humor Highest Rank #6 last 29/01/20 in Fact