Ngiti [Tagalog]

173 38 24
                                    

Spoken Poetry

Ngiti
ni mjemerano

Sa Madilim na Gabi tayo'y naka tingin sa maliwanag na buwan,
Nagbabakasali sa mga pangakong ating binitawan,
Sa mga panahong ating pinagsamahan,
Na Baka may pag asa pang tayo'y muling maging magkasintahan.

Umaasa, na sa mga panahong tayo'y masaya,
Habang nagtatawanan sa gitna ng ating mga problema,
Mga ngiting nakasilay sa ating mga mata,
Na sana, kahit papaano, may pag-asang maging tayo pa.

Ano nga ba ako sa buhay mo?
Isa ba ako sa mga koleksyon mo?
O isa rin ako sa naging priyoridad mo?
Na kahit ganyan ang utak mo.
Ikaw parin ang laman ng puso ko.

Mga Sakit, kirot na iyong pinadama,
At unti-unting nawawala ang aking nadarama,
Balang araw ako'y haharap sa iyo ng walang nadarama,
At muling sisilay ang ngiti sa aking mata

<~~~>

May Pinaghuhugutan daw ba ako? Hahaha Yung theme Song Ng Forevermore! So this part is dedicated to Yana Jin

Sana sumilay na muli sa iyong mga mata ang Ngiti at hindi ang Hapdi! Update na author! Marami pang nagmamahal sayo ng totoo!

~ mjemerano ~

<~~~>

People FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon