one

10.4K 409 15
                                    


A/N : hello! kumusta? Hindi ako nakapag update last week dahil naggala po ako sa MIBF 2017 with my bestfriends, salamat sa mga nakilala ko at sa mga nagpakilala sa akin.

sarap mamili ng libro... sayang di ko nayakap si Empoy, la kong pake kay James Reid may Nadine na siya, si Empoy talaga ang habol ko.

Last quarter na pala ng 2017 ilang kembot na lamang... dapat pala inuumpisahan ko na ito... haha!

@Frances kung nababasa mo ito, Hello ng marami! POWER!

...

ONE

"Good morning daddy!" his daughter greeted, nakaupo na ito sa pwesto nito sa hapag, katabi ng kanyang mommy na nasa kabisera ng mesa. Lumapit siya para halikan ang anak sa noo. Bumati rin siya sa kanyang mommy ng Good morning.

"Where's dad?"

"Niyaya ng tito Ron mo mag-golf, mabuti na rin iyon ng hindi mukha niya ang nakikita ko maghapon." His mother looked annoyed, sa kabila ng kaalaman niya na nagbibiro lamang naman ito. Napailing siya sa sinabi ng kanyang mommy Candice, sana'y na kasi siya na kahit wala ang daddy nila ay gustong- gusto pa rin itong asarin ng kanilang mommy. "Your sisters, still asleep." Naupo na rin siya para maglagay ng sariling pagkain sa kanyang plato. Lumapit naman ang isang kasambahay para bigyan siya ng black coffee.

"Daddy, nextweek na yung family day namin. Can you come?" tumingala ang kanyang anak para tanungin siya. He patted her head.

"Oo naman... that's gonna be on Friday right?" he kept in mind that he needs to remind his secretary to clear his schedule.

"Yehey!" pumalakpak naman ito sa narinig at masayang nagpatuloy sa pagkain. Marami itong kwento na tinatawanan nilang mag-ina.

Paalis na siya ng bigla siyang tawagin ng kanyang mommy. Mukhang naghehesitate pa ito na magsalita pero pinilit niya ito. Their mother's getting older pero maganda pa rin. Alam niya ang mukhang iyon, hindi ito ang unang beses na binigyan siya nito ng ganitong klaseng tingin at sa tuwing nangyayari ito mas lalo lamang siyang nagagalit sa kanyang sarili. Siya ang dahilan ng kalungkutan ng kanilang pamilya, pero paano niya ba maibabalik ang mga bagay na nasira na? Lalo na ang tiwalang nawala na?

"Baka naman pwede mo na ulit subukan kausapin ang kapatid mo Ravin? It's been nine years, miss na miss ko na ang kakulitan niya?" niyakap niya ang kanyang ina. It was an honest wish coming from a mother who lost her son. Sino siya para tumanggi? Alam na alam niya na siya ang puno't dulo ng lahat, kaya kung may magpapabalik lamang kay Robin , nasa kanya ang responsibilidad na iyon.

"Sige mommy , susubukan ko ulit." He assured her. Kumalas ito sa kanyang yakap saka siya hinawakan sa pisngi.

"Pasensya na, hindi naman ibig sabihin noon na may mas matimbang sa inyo sa akin diba? Pantay pantay kayo, tandaan mo yan...sana rin alam iyon ng kapatid mo." Nagpaalam na siya muli bago pa kung saan mapunta ang kanilang usapan.

Pagkasakay niya sa sasakyan ay pinasibad na ito ng driver. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap kay Robin. Wala silang pagtatagpo na hindi nauuwi sa mabuting usapan. Robin hates him to death, yung dating kakampi niya sa bawat kalokohan... ni hindi siya kayang tignan ng limang segundo ng may ngiti sa labi.

"Basta ako paglaki ko, ayokong magtrabaho dito." Sabi ni Robin, nasa opisina silang tatlo ng kanyang daddy. Sinama sila ng kanilang mommy. Naiwan iyon sa labas kausap ang ibang empleyado. Siya naman ay nakaupo sa swivel chair ng kanyang daddy. Kunwari'y pumipirma siya ng mga kontrata. Si Raven naman ay nakaupo sa sofa, abala sa mga magazine doon. Si Robin ang siyang kanina pa lakad ng lakad.

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon