eleven

4.6K 207 7
                                    

8/27/2018

...


11.

Pagbaba niya sa living room ay dinig na dinig niya ang boses ng tumatawang anak mula sa labas. Nakalimutan yata nito na pumunta sa kanyang silid para batiin ng Good Morning.

"Sir, nakahanda na po ang inyong breakfast sa may garden, nandoon po ang inyong anak at si ma'am Christine."

"Salamat manang."

Huminga siya ng malalim saka tinungo ang garden kung saan nagtatawanan si Sora at ang tita nito. Ilang segundo pa bago siya napansin ng anak.

"Daddy!" bumaba ito sa bangko para lumapit sa kanya, hinalikan siya nito sa pisngi saka binati ng Good Morning.

"Sorry, hindi na kita pinuntahan sa room mo earlier, tita said you're tired."

Sinulyapan niya ng tingin ang nagkibit balikat lamang na si Christine. Hindi pa rin pala ito umaalis. Kailangan niyang maiiwas ang anak dito, baka magaya sa kasamaan ng ugali nito ang anak niya.

"Where's my Good morning kiss?" Christine teased him in front of her daughter, nakita niya naman ang pagtataka sa mukha ng kanyang anak.

"You're not my daughter." He answered, pinaupo niya ang kanyang anak sa kanyang tabi. Mabuti na ang malayo kay Christine.

"Sungit pa rin talaga, nagbibiro lang right Sora?" Tinanong pa nito ang opinyon ng kanyang anak.

"My daddy can't kiss other girls tita except me, mama Candice baka magselos si Tita Gene." Kwento ng kanyang anak.

"Who's Gene?" painosenteng tanong muli nito sa kanyang anak, akala mo hindi nila pinag-usapan kagabi lang ang tungkol kay Gene.

"Maybe my future mommy? Hindi ka naman siguro magagalit as my real mom's cousin right?"

"Of course not sweetie! Basta ba aalagaan ka ng future mommy mo na yan." Christine reacted exaggeratedly , humawak pa ito kuno sa dibdib. Binaling na lamang niya ang atensyon ng anak sa pagkain nito, he asked another topic. Pansin naman ito ni Christine na binabasa ang kanyang mga galaw.

"Dad, tapos na akong kumain."

"Good, mag-prepare ka na for school, ako ang maghahatid sa'yo."

"Really!Yes!" Excited na pumasok sa loob ng bahay si Sora, madalas kasi ay kapatid niya o driver ang naghahatid sa kanyang anak, pero dahil sa babaeng kaharap, mas pipiliin niyang ma-late sa kanyang morning appointment kaysa magsuggest pa ito na maghahatid kay Sora sa school.

"Wow, parang alam mo na magvo-volunteer ako sa paghatid sa pamangkin ko."

"You don't have to; I mean you don't have to do anything. Just be thankful that we accommodate you for today, makakaalis ka na."

"Ang harsh talaga, tita Candice knows, ang sabi niya I can stay as long as I want."Pagmamalaki nito.

"Just because she had no idea on what you did!" Giit niya, baka kung ano pang gawin nito para mabilog ang kanyang magulang.

"Wait, seriously?" she mocked at him." Ako lang talaga? Baka nakakalimutan mo, dalawa tayong gumawa. Kung babagsak ako syempre kasama ka rin. Sa ating dalawa ikaw ang siyang mas nakinabang. You took everything away from Robin, especially this kind of life? Imagine natiis mo na sa kalsada lang halos natutulog ang kapatid mo?"

"Shut up!" he punched the table.Sa tingin ba nito, hindi niya alam iyon? Araw-araw niya iyong pinagsisihan, hindi niya na mabilang kung ilang beses siyang humingi ng tawad kay Robin, pero sukdulan na ang galit nito.

"Come to think of it, Sora could have been Robin's daughter not yours."

"Sora is my daughter!"

"Yes, she is because you did something."

May sasabihin pa sana siya kaya lamang ay narinig niya ang boses ng kanyang anak na tinatawag na siya.

"I called mama last night, ang sabi ko nandito ka ngayon sa bahay. Hindi pala nila alam na nakabalik ka na?" Tukoy niya sa magulang ni Heaven Marie, nagbago naman ang mood nito. Mula sa pagiging mapanghamon sa kanya ay natahimik ito.

"Say goodbye to your tita, aalis na rin siya mamaya." He gave Christine a warning look that she will be in trouble if she won't leave their house.

"That's so sad, but you will visit right?" Lumapit si Sora para humalik dito.

"I will surely will."

...

"Here's your coffee." Inabot niya ang binigay na kape sa kanya ni Gene. Medyo kumalma na siya ngayon, pagkahatid sa anak ay dumiretso siya sa agency ng isang kaibigan. Pinapasundan niya si Christine, gusto niyang malaman kung ano ang bawat kilos nito.

"Thank you." Naupo si Gene sa sofa sa kanyang office, siya naman ay kaharap ang mga dokumento na dapat niyang pirmahan.

"I think I have to cancel our dinner for tonight." He needs to go home, kailangan niyang umuwi sa bahay.

"Okay lang." Nakangiti pa rin na sabi ni Gene. That's what he like about her, wala itong sinasabi kapag may kina-cancel silang lakad para sa kaniyang pamilya, especially if it's about his daughter. She's always been understanding, unlike his past relationships.

Hindi na siya nagpahatid sa bahay kay Ravin, she texted his number. Hindi naman daw ito busy kaya pumayag na makipagkita sa kanya. Sinigurado niya na dala niya talaga ang kanyang wallet, sobrang nakakahiya na kapag nagkataon. Ito pa ang siyang pumili ng lugar kung saan sila pwedeng magkita, nagulat na lamang siya na isang mamahaling restaurant pala iyon. Parang gusto niyang umatras, sabi pa naman niya sagot niya ang dinner, mababayaran niya ang kanilang kakainin pero paano na ang kanyang allowance sa mga susunod na araw-araw? Hindi naman siya pwedeng umasa kay Ravin, halos lahat nga ng ibinibigay nito ay tinatanggihan niya,paano na lang.

"Bakit nakatayo ka lang diyan?" Nagulat siya ng may kumalabit sa kanya, as usual nakat-shirt na naman ito at nakasalamin.

"Gusto mo bang sa iba na lang tayo kumain?" Tanong niya.

"Why, ayaw mo ba dito? Bad experience or bad food?" Binulong nito sa kanya ang huling linya, baka kasi may makarinig sa kanila.

"Hindi naman, kaya lang ako ang nag-offer na magbabayad diba? Medyo hindi kaya ng budget ko." Nahihiya niyang pag-amin, okay na ito, kaysa naman mapasubo siya, mabuti na ang magsabi ng totoo.

"Iyon lang ba? Don't worry ako ang bahala ,libre ko na ito, sa susunod na lamang ikaw." Hindi niya alam kung sadyang mabait ito o komportable sa kanya , bigla na lamang kasi nitong hinawakan ang kanyang kamay papasok sa loob ng restaurant.

"Sandali." Pigil niya,nakatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya, nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin, bumitiw ito at napakamot ng ulo.

"Sorry."

Pakiramdam niya may malaki siyang kasalanan kay Ravin, kahit ang pakiramdam niya ay magbabayad lamang siya ng kabutihang loob ng kaharap, pakiramdam niya nagtataksil siya sa kanyang boyfriend.

"I'm sorry pero pakiramdam ko dapat ko talagang sabihin, may boyfriend na ako." Akala niya magiging awkward na sila pagkatapos noon pero tumawa si Zild.

"Sa ganda at bait mong iyan? Imposibleng wala, pero sabihin mo sa kanya, wala naman tayong ginagawang masama. Natutuwa lamang kasi ako sa'yo, may naaalala akong isang kaibigan kapag kausap kita." Mukha naman itong sincere at isa pa magaan ang kanyang loob dito. Hindi naman siya natatakot dahil nasa public place sila, pero sa susunod ikukwento niya na kay Ravin ang tungkol kay Zild, ayaw niya ng pakiramdam na para bang may tinatago. 

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon