five

8K 319 14
                                    




12172017

****

Five



"Tulungan na kita." Nahihiya man ay ibinigay niya ang box na buhat sa kanyang ka opisinang si Loyd. Mabait ito sa kanya, isa ito sa mga unang nag welcome na lalaki sa kanya sa kanilang department. Alam niyang mabait lamang ito, pero ang malisyosa niyang kaibigan ay binibigyan iyon ng kakaibang kahulugan. Palihim siyang tinutukso sa nasabing kaopisina, lalo na at may nagpapadala sa kanya ng bulaklak , ikaapat na beses na ngayong araw. Hindi niya naman magawang itapon dahil nakakapanghinayang, inuuwi niya sa bahay at nilalagay sa vase. Sa totoo lamang natutuwa siyang makakita noon, gusto niya rin ang pakiramdam nang nakakatanggap kahit wala man iyong note o pagkakalinlanlan. Iba pala ang pakiramdam nang magkaroon ng admirer. Hindi naman niya minamadali na magpakilala ito, baka humahanap pa ng tyempo. Ganoon din naman siya, kailangan niya rin ihanda ang kanyang sarili, hindi naman siya mapanghusga sa panlabas na anyo, pangunahing katangian pa rin sa kanya na dapat mabait at may takot sa Diyos ang taong iyon o kung sino man iyon.

"Hi Gene!" bati sa kanya ng naka duty sa information na lalaki , hindi niya tanda ang pangalan nito pero kilala niya naman ang histura. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kinukurot ito ng katabing babae.

"Hello." Gumanti siya ng bati, nakilala siya ng mga ito dahil nang minsang mawala ang kanyang ID ay dito niya kinuha, sobrang nag-alala siya noon, iyon pa naman ang nagsisilbing passes nila, nakakahiya at kabago-bago niya mawawala ang kanyang ID kaya naman nilagyan niya na iyon ng lace, mahirap na.

"Let's go Gene." Tawag sa kanya ni Loyd na nasa may pinto na. Muli siyang ngumiti sa mga nasa information. May sinabi ang katabing babae nang nasa information , hindi niya na iyon nakuha dahil kailangan na nilang pumunta sa warehouse para maghatid nang mga materials. Hindi naman iyon kalayuan, mabuti na rin ay may kasabay siyang pupunta doon.

Kung saan saan napunta ang kanilang usapan ni Loyd sa kalahating oras na byahe na iyon, naroong tanungin siya nito kung ano ang pinagkaabalahan niya bago siya napasok sa kanilang kumpanya.

"Galing ako sa kumbento." Nanlaki ang mata nito sa kanyang rebelasyon. Hindi niya makuha kung ano ang nakakagulat doon, sa tuwing sasabihin niya iyon para bang biglang bigla ang mga nakaka-usap niya.

"Wow. What made you leave then?" dugtong nito.

"I need to work for my family." sagot niya dito, kahit sa likod ng kanyang isipan ay kalahati lamang iyon sa kanyang dahilan. Hindi na nga talaga siya karapat-dapat na bumalik pa.

"May ba-balak ka pa bang ituloy muli? I mean kung iyon ang calling mo." Umiling siya. Hindi na pwede.

Mabuti na lamang at narating na nila ang warehouse. Naghiwalay na sila ni Loyd dahil magkaiba ang kanilang sadya. Nagsabi na siya na mauuna na siyang bumalik dahil mukhang mas matatagalan ito roon, maalam naman siyang mag commute kaya magiging okay lamang siya.

"Thank you, babalik na po ako sa head office." Paalam niya sa Supervisor, matapos ipa-receive ang kanyang mga dala. Habang palabas ay palinga linga siya sa paligid, napakalaki ng kumpanya ng Romualdez, kung dati ay Hotels and Construction business lamang daw ang umiikot ang negosyo nito ngayon ay mayroon na ring Food and Beverages kung saan naka-focus ang kanilang CEO. Sobrang lawak ng hawak nitong responsibilidad sa kumpanya at sa mga tauhan nito, hindi pa katulong ang mga kapatid sa pagpapatakbo, balita niya babaeng kapatid nito ang siyang tinitrain sa business. Kaya naiintindihan niyang mainitin ang ulo nito at isa pa, hindi naman siya ang tipo ng tao na natatandaan.

She shook her head. Ano na naman itong pumapasok sa ulo niya? Hindi pa rin pa ba siya mapalagay sa nangyari noong nakaraan? Hindi niya alam kung bakit napapanaginipan niya ang tagpong iyon, sa kanyang panaginip lamamg, hindi siya tinaboy bagkus pinatuloy siya sa malawak na opisina...

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon