nine

5.3K 233 3
                                    

6/17/2018



...


9.

Lampas alas singko na ng hapon, tapos na ang kanyang trabaho, pero imbes na umuwi ay narito siya sa opisina ni Ravin. He told her that they will eat dinner together. Tatapusin lamang nito ang meeting sa isang investor. Okay lang naman sa kanya ang maghintay sa kanyang post kaya lanag sabi nito sa office na lamang daw siya mag stay. Hindi na siya nakipagtalo pa. Palakad –lakad siya sa loob ng opisina nito, tignan niya ang mga frame na nakadisplay sa shelf nito. Napaka- family oriented may plus point ito sa kanya.

"Ang ganda pala talaga ng lahi nila." Hindi niya mapigil na humanga." May picture roon si Ravin kasama ang anak nito, mayroon ding picture ng tatlong batang nasa edad anim hanggang sampung taong gulang. Lahat nakangiti sa camera, yung isa ay nakataas ang kamay sa likod ng isa na mukhang nilagyan ng sungay. Histura pa lamang ay mukhang pilyo. Ang alam niya ay may kakambal pa si Ravin, kahit kasi triplets ang mga ito, may pagkakaiba ang mga hitsura. Ang pilyong lalake sa larawan ay mga dalawang dimple.

"Nainip ka ba?" Buti at mahigpit ang hawak niya sa frame, kung hindi ay baka nahulog na ito, paano'y ginulat siya ni Ravin, bigla siyang niyakap nito. Nakapwesto ito sa kanyang likod.

"Hindi naman, I'm just looking around. Nalilibang ako."

"Totoo?"

"Mga kapatid mo?" Naging seryoso ang mukha nito , kinuha ang frame sa kanyang kamay.

"Hulaan mo kung saan ako rito?"

Tinignan niya ang larawan, tapos tumingin sa seryosong mukha ni Ravin, tapos muling bumalik sa larawan.

"Ikaw itong naka –pogi pose sa gilid. Kasi bata pa lang naniniwala ka ng mas gwapo ka sa kanila tama?" Hula niya , may kasamang konting pambobola rito.

"Wrong, ako itong nasa kabilang gilid, iyong batang nilagyan ng sungay." Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya o nakita niya ang kalungkutan sa mata nito. Bakit naman, nandito na ang lahat, siguro nga nalulungkot ito dahil sa namatay na asawa, pero nandito na siya. Hindi naman ibig sabihin na dumating siya ay papalitan niya na ang asawa nito sa puso ni Ravin. Hindi naman siya ganoon, hindi siya makikipagkompitensya sa taong wala na. Gagawin niya ang makakaya niya para makita siya ni Ravin bilang si Gene at hindi anino nang kung sino man.

"Wala naman akong nakikita." Hinawakan niya pa ang tuktok ng ulo nito. She's being playful. Hinuli naman nito ang kanyang kamay, ang isang kamay nito ay nakapalupot sa kanyang beywang, ngayon niya lamang napansin ang kanilang masyadong malapit na posisyon.

"I want you taking my side." Ravin said in a husky voice. Lahat yata ng kainosentehan sa kanyang isipan ay lumipad na palabas ng bintana at na stuck sa traffic sa Metro. Ang nasa isip niya lamang ngayon ay ang kakaibang pakiramdam kapag hinahalikan niya ang labi ng kanyang boss. Pwede niya bang ikumpara ang sarili niya kay Cinderella? Lumaki siya na ang batayan ng pag-ibig ay ang mga nababasa niya sa fairy tales. Nangarap siya na sana ay may ganoon sa totoong buhay, at ngayon nga, kung ito nga ang para sa kanya, masasabi niyang siya ang modern version ni Cinderella. Hindi naman niya hangad ang kayamanan , basta mamahalin lamang siya , pati ang kanyang pamilya at hinding-hindi magsisinungaling.

"I want to kiss you." Gusto niyang sampalin ang sarili, saan napunta ang values at pagiging mahinhin niya at nagawa niya talagang sabihin iyon? nakatanggap tuloy siya ng panunukso mula kay Ravin.

"No need to say it. The fire between us will make the move." Ravin kisses her lips, malayong malayo sa mababaw na halik na ginagawa nito dati. It was more intense. Hindi niya alam kung paano nagawa nito na maihiga siya sa sofa habang nasa ibabaw siya nito. naghahalikan lamang sila kanina habang nakatayo pero heto at nakahiga na siya. Unbelievable but yes, kinagat muna nito ang kanyang ibabang labi bago siya nito tinigilan.

"Ang pula na ng labi mo?" Napahawak siya sa kanyang labi, sino ba ang may gawa? Kung kanina ay mapula ito dahil sa lip tint na nilagay niya, ngayon ay mapula na ito sa ginawa nila ni Ravin.

"Do you want to stay here or do you want to eat? You picked." Kinindatan pa siya nito, namumula pa rin ang kanyang pisngi habang inaayos ang kanyang damit.

"Syempre kakain tayo." Nauna na siyang tumayo.

"Good choice, let's go." Pagkababa nila ay naka-abang na ang EA nito sa kanila.

"Thanks, makakauwi ka na."

Sila lamang dalawa ang nasa sasakyan, may dalawang tumawag dito na kinancel nito, pero ang pangatlo ay hindi.

"Hi sweety." Bigla siyang napalunok sa narinig mula kay Ravin, buti na lamang at hindi siya agad nakapag-react ng kung ano. Buti at pinakinggan niya muna ang boses ng nasa kabilang linya. Awtomatiko siyang napangiti nang marinig ang magandang boses ng anak nito, pasimple niya rin inuntod ang kanyang ulo sa salamin ng kotse habang pigil ang kanyang ngiti. Hindi siya dapat magselos sa anak, darating ang panahon magiging anak niya na rin ito. masarap pa namang bihisan ang magandang bata.

"You had your dinner?" magiliw na tanong nito na sinasagot naman ng nasa kabilang linya, ilang sandali pa at nagpa-alaman na ang mga ito. They ended their conversation with their I love you's.

"Ang sweet ng anak mo and very pretty too." She commented. Ravin smiled widely like a proud dad.

"Yes, she's my gift. Of all the wrong things that I did, she's the only right thing that happened."

Huminto sila sa isang hotel, hindi pa rin siya talaga sanay sa mga ganitong karangyaan. Nahihiya pa siyang bumaba.

"Let's go." Yaya ni Ravin, nakalahad ang kamay nito.

"Pwe-pwede bang sa iba na lang?"

"Nandito na tayo saka masarap ang mga pagkain dito. You will love it."

"Pero ang mahal diyan." Bulong niya, yumuko si Ravin, bumulong ito sa kanyang tainga.

"It's all right hindi pa naman kita sisingilin." He even joked. Wala na siyang magawa ng hilahin siya nito palabas, magkahawak ang kanilang kamay habang papasok sa loob. Hindi niya mapigil na manliit habang nakatingin sa mga postura ng mga taong kumakain. Most of them wearing their elegant dresses with jewelries to match on, samantalang siya, naka pencil skirt na grey and white top. Ang accessory niya lamang sa katawan ay ang hikaw na mana niya pa sa kanyang lola at relo na nabili niya lamang sa sale sa mall.

"Don't be shy." Hinawakan siya ni Ravin sa balikat ng maiupo siya nito, pansin kasi nito ang kanyang panliliit. May lumapit na waiter, Ravin ordered for them. Baka sumakit ang ulo niya kapag nakita niya ang mga presyo ng nasa menu.

"Are you cold?" Tanong nito, kanina niya pa kasi hinihimas ang kanyang braso, medyo nilalamig nga siya, idagdag pa na nahihiya siya. May ilan kasi na nagtatagal ang tingin sa kanilang direksyon, hindi na siya magtataka , laman ng business magazine si Ravin, baka magulat siya isang araw nandoon na ang mukha niya.

"Ravin Romualdez, It's good to see you." A couple approach Ravin, tumayo si Ravin para bumati sa dalawa. May tinanong ito tungkol sa pamilya ni Ravin, hindi nya alam pero nanalangin siya na sana hindi siya mapansin ng mga ito.

"And who is this pretty lady here?" Nabaling ang atensyon sa kanya. The woman is elegantly beautiful, intimidating at the same time. Nahihiya siyang tumango, nag-alalangan kung inaabot ang kanyang kamay, baka mapahiya lamang siya. Good thing Ravin went beside her.

"She's Gene, my girlfriend." Pakilala ni Ravin sa kanya, gusto niyang magdiwang. She never thought that Ravin can bravely introduce her as his girlfriend. Ngayon mas lalong na klaro sa kanya kung ano ba talaga sila.

"She looks descent. Anyway nice to see you again. " Pinalampas niya ang pagtingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ang kanyang pagkatao. Hindi iyon ang siyang magpapalungkot sa kanya, umalis na ang mga ito.

"Don't mind her. She's like that from the day she was born, a brat." Tumango na lamang siya. She will just enjoy their food and her moment with Ravin. She won't let anyone ruin this moment. 

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon