seven

5.9K 305 23
                                    

3/31/2018

...


7.

Paghinto ng kanyang sasakyan ay siya namang kabilis bumaba ng kanyang anak na si Sora.

"Careful sweetheart." Pahabol niyang sabi nito.

"I'm careful dad, just excited." She shouted back with a giggle. Napapailing na lamang siya sa kanyang anak. Sa bagay, isang buwan na rin mula ng bumisita sila ng puntod ng mommy nito. He bet, maraming ikukwento si Sora sa ina kaya naman nagmamadali ito. It was so sad that his wife only hugged their daughter for ten seconds before she passed away. The last words that he heard from her was I love you. If only ,he had known. Kung hindi niya sana pinairal ang kanyang pagnanasa, wala sana sila ngayon sa sitwasyon na ito.

"Daddy hurry!" narinig niya na naman ang matinis na boses ni Sora, napangiti siya at napailing. Right , she's the only right from all the mistakes that he committed. Kinuha niya ang bulaklak na nasa backseat ng kotse. Weekend kaya nangako siya sa kanyang anak na ibibigay niya ang buong araw niya para dito, katatapos lamang nilang magsimba at nagyaya ito na magpunto sa puntod ng ina.

"Hi, mommy, it's been a long time. Nandito kami ni daddy, hindi siya busy ngayon kaya , daddy and me day ngayon. Mommy I'm so happy. Hinimas niya naman ang buhok ng kanyang anak, tahimik siyang nakikinig sa mga kwento nito sa ina, sa bahay, sa school, maging sa kanilang pamilya.

"Mommy, pwede mo bang kausapin ang angel ni tito Robin? Kasi laging umiiyak si lola Candice, namimiss niya na si tito, can you make him come home?" napabaling siya sa paki-usap ng kanyang anak. Wala siyang maidadag-dag doon, sa isip niya ay mayroon siyang inihihingi na ng patawad kay Heaven Marie, alam niyang mali, baka nga magseselos pa ito sa langit sa kanyang plano, pero nagsimula na siya. Malaki ang nakataya at handa siyang matalo sa huli para lamang mapagbayaran niya ang kanyang mga kasalanan sa kanyang kapatid.

"And one more thing mommy, okay lang po ba na magkaroon ng girlfriend si daddy? I want someone to take care of him para hindi siya puro work. Iyong daddy kasi ng classmate kong si Cheska, naging masaya daw ang daddy niya noong magkaroon siya ng bagong mommy. Mabait naman ang new mommy ni Cheska, sana mabait din ang new mommy ang ibigay mo sa akin."

Kinuha niya ang kamay ng kanyang anak. "Ikaw talaga , kung ano ano ang sinasabi mo sa mommy mo."

"Allthough I want a new mommy, ikaw mommy pa rin ang number one ko, syempre number two lang siya kasi ikaw ang original. Sana talaga mommy bigyan mo ng girlfriend si daddy, sana yung ibibigay mo na girlfriend niya maging love din ako. Sabi ni lola, I am a good girl daw and good girls are easy to love. Right daddy?"

"Because you're loveable sweethearts." Pinisil niya pa ang magkabilang pisngi nito. Naka-indian seat siya at naka-upo naman sa tabi niya si Sora, naka –casual clothes naman siya kaya okay lang. Gusto sana ng pamilya niya na a museleo ipalagay ang labi ni Heaven Marie, kaya lamang ay tumanggi ang magulang nito, ang kanyang mga biyenan. Gusto nito makatabi ni Heaven Marie ang mga kapamilya nito na namayapa na rin.

"Ganyan din ang sinasabi ni mommy sa dreams ko." Pagmamalaki nito.

"What is it like, your dream?' gusto niyang ipakwento, ilang taon na rin ng huling dumalaw sa kanyang panaginip si Heaven Marie, and it wasn't a pleasant dream. She was crying and he was the one who cause her pain. Kahit sa panaginip pinapaalala ang kasalanan niya.

"Nasa bedroom ako , tapos ni-cocomb niya ang hair ko, tapos nag huhum siya, tapos nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Tapos nag-uusap kami, kaya lang pag gising ko daddy hindi ko na maalala yung mga pinag-usapan namin."

"You're mother loves you so much, kung pwede lamang makasama ka niya ng mas matagal ginawa niya, kaya lang hindi pwede e, kailangan na siya sa langit."

"I understand daddy, ni-kwento sa akin nina nanay." Tukoy nito sa kanyang biyenan na babae.

After an hour umalis na sila ni Sora, lunch time kaya nagdesisyon silang kumain sa paborito nitong fastfood. Once in a while ay sinasamahan niya ito doon, hindi niya rin naman kasi maitatanggi na gusto niya rin doon. Marami silang masasayang ala-ala sa nasabing kainan.

"Let's order first." sabi niya sa anak.

"Pwede na akong maghanap ng seat natin daddy? Maraming tao baka wala na tayong maupuan." Nag-aalala na sabi nito, marami ngang tao pero hindi niya hahayaan na lumakad mag-isa ang kanyang anak, o kaya naman iwan ito habang nasa counter siya.

"May mauupuan tayo, don't worry, so what's your order?" hindi na nagpumilit pa ang kanyang anak at nagsabi na ito ng gustong kainin. Nang makuha ang kanilang order ay naghahanap na sila ng mauupuan, nakarating sila sa bandang likuran, punuan nga ang bawat upuan.

"I told you so daddy." Inikot niya muli ang kanyang mata, nakita niya ang pang-apatang upuan na inookopa lamang ng dalawang tao. Napaangat pa ang kanyang labi nang marealize niya kung sino ang isa doon.

"Let's go sweetheart, I found us a seat."

Pagtapat niya sa mesa ay siya namang pag-angat ng mata ng dalawang babae doon. Kapwa napanganga ang mga ito ng makilala siya.

"Excuse me, can we share this seat with you?"

"Opo naman sir." Mabilis na tumayo ang kasama ni Gene, he remember her name is Ludie. Si Gene naman na tulala ay tinulak ng kasama para mapunta sa sulok. Siya naman ay naupo sa sulok katapat ni Gene.

"Say hello to them Sora." Utos niya sa anak.

"Hello po, my name is Sora, nice to meet you po." Pakilala ng kanyang anak sa sarili.

"Hello, siya po iyong anak nyo diba sir? Kaygandang bata." Si Ludie iyon ng makabawi. Nakaupo na si Sora sa kanyang gilid, kumakain na ito ng fries na sinasawsaw sa sundae.

"Thanks." Bumaling naman siya kay Gene na hindi pa rin makapagsalita." Hello Gene." He smile at her, nakita niyang siniko pa ito ng kasama kaya naman binati siya nito.

"Hello po sir, nagulat lang po kami na kumakain po kayo sa ganito." Di makapaniwalang sabi nito.

"Why not? Lumaki kami dito and my daughter likes it here, right Sora?" tumango ang kanyang anak. Napatingin it okay Gene maya-maya ay napangiti ito.

"I remember you, sa office ka ni daddy diba? You helped me noong nadapa ako."

"Ah, wala iyon." ngumiti si Gene sa kanyang anak, napansin niyang hindi na ito sumusubo. She's always like that, kapag kumakain sila sa labas ay halos hindi nito magalaw ang pagkain. Lagi niya itong kailangang sabihan na kumain, para naman kasing sisingilin niya ito ng bill.

"You should eat, pumapayat ka na." hindi niya mapigil na komento dahilan para tignan siya ng kaduda duda ng katabi nito. But what's there to explain, he's the boss at hindi naman ito kasali sa kanyang plano. Binalingan niya ang kanyang anak na maganang kumakain.

Gene can be a perfect candidate to be Sora's new mother but he made up his mind.  She was meant for someone else.         

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon