three

9K 375 17
                                    


THREE:

Inalalayan siya ni Secretary Joo hanggang sa maisakay siya sa backseat ng kanyang sasakyan. Pinahid ng kanyang kamay ang dugo sa kanyang pisngi. Ngayon niya iniinda ang sakit ng mga suntok na binigay sa kanya ng boksingerong kapatid.

"Sa condo mo ako ihatid." Utos niya ng makitang ibang daan ang tinatahak nito sa pagda drive. He can't go home looking liking this, paano niya ipapaliwanag sa anak ang nangyari, more so to his mother? Ayaw niya ng mas mag-alala pa ito.

"Sa hospital na po tayo didiretso, inaasahan na po kayo ni sir Raven doon. Naitawag ko na po sa kanya ang nangyari sa inyo ng inyo ni sir Robin." Napabuntunghininga na lamang siya, makakarinig na naman siya ng sermon mula kay Raven, matapos niyang masuntok, maliligo na naman siya ng sermon sa pangalawa.

"Hindi mo na dapat sinabi sa kanya." Nagkatinginan sila ng kanyang secretary sa rearview mirror, katulad niya ay matigas din ang ekpresyon ng mukha nito. Laging seryoso at parang nakikipaghabol sa oras. Bandang huli nag-iwas na lamang siya ng tingin ng marinig ang sagot nito.

"Hindi na po bago ang ganitong pangyayari sa inyong kapatid. Inaasahan niya na na ito ang mangyayari kapag may nagaganap na pag-uusap sa inyong ni sir Robin." Tama naman ito, hindi na siya kumibo hanggang sa marating nila ang hospital kung saan nagtatrabaho si Raven. Katulad ng sabi, naka-abang nga sa kanya sa Raven sa harapan ng Emergency Room. Mabilis itong kumilos ng mamataan ang kanyang sasakyan, bago pa man nito mabuksan ang pinto sa backseat at inunahan niya na itong lumabas. Para namang nakahinga ng maluwag ang hitsura nito pagkakita sa kanya.

"Mabuti naman at kaya mo pang tumayo, akala ko kailangan mo ng stretcher o wheelchair." Inismiran niya lamang ito. Humakbang pa siya palayo ng umakto pa itong aalalayan siya.

"I can walk." Napakamot na lamang ito ng ulo.

"Talagang hindi kayo magkakasundo ni Robin, parehas kayong matigas e." it was supposed to be a joke pero iba ang epekto nito sa kanya natahimik siya sa sinabi ng kapatid, napansin naman nito iyon at kaagad humingi ng dispensa.

Nakasunod si Secretary Joo hanggang sa pagpasok nila sa clinic ni Raven. Nakahanda na ang mga gamit nito sa gilid, pinaupo sya nito sa kama doon.

"Pa X-ray na kita para masiguro ko na walang nabali sa'yo." Sabi nito.

"No need, wala namang masakit maliban sa mukha ko."

"Talagang mukha mo ang pinuntirya, he wants you to look ugly." Natatawa na naman itong komento habang nililinis ang kanyang sugat. Napansin niya pa ang pagpipigil ng tawa ni Secretary Joo.

"Nasabi ko na ba sa'yo na wala kang talento sa pag-kocomedy?" sagot naman niya sa sinabi ni Raven.

"I know, kaya nga napili kong mag-doctor diba?"

"Tss." Napa-aray siya ng diniinan nito ang kanyang sugat."Dahan -dahan naman!" sita niya dito.

"You should be thankful though, sa lakas ni Robin kaya ka niyang ituluyan sa isang suntok lamang pero heto buhay ka pa rin at hindi malala ang tama mo." Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o binubully lamang siya.

"So, babalik ako sa kanya para magpasalamat?" patuya niyang sabi dito.

"Excited kang makita muli ang bestfriend mo? Saka na pagalingin mo muna ang sugat mo." Nilalagyan na siya nito ng bandage.

"Sa condo ka muna uuwi?"

"Oo, ayaw kong makita nila ang mukha ko. It needs to heal before my Friday meeting and don't forget my daughter's school event." Sabi niya dito. Umikot naman ito saka may kinuhang teddybear na nasa upuan.

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon