thirteen

4.4K 126 17
                                    

3/8/2020

...

13.

"Date sa park, seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gene nang inhinto ni Ravin ang sasakyan sa isang parke.

"Why you don't like it here?"

Ngumiti at natatawang umiling naman si Gene, hindi niya matandaan ang huling beses na nagpunta siya sa parke, bata pa yata siya kasama ang kanyang mga magulang. Napakasaya niya noong araw na iyon, naalala niya na nagpalipad pa siya ng saranggola.

"No , I love it here." Tinanggal niya ang kanyang seatbelt, excited na siyang bumaba. Konti lamang ang tao, paano working hours, buti na lamang talaga at boss niya ang kanyang ka date or else matatanggal siya sa kanyang trabaho. Nakakagulat niya na marami na pala itong mensahe sa kanyang cellphone at miscalls, at dahil abala sa pinapagawa ng kanyang supervisor ay hindi niya namalayan. Laking gulat niya nang bumaba sa kanilang floor ang secretary nito para lamang sunduin siya. Sa ngayon baka laman na siya ng usapan ng mga kaopisina, pero bahala na nga ang importante masaya siya ngayon.

"Let's go!" Yaya niya kay Ravin, ngumiti ito at lumabas na rin ng kotse.

Nakakatuwa na marami parang puno sa parteng ito ng syudad. Natatakpan ng mga mayayabong na puno ang mga naglalakihang gusali. Pakiramdam niya nasa probinsya siya dahil wala siyang marinig na ingay ng sasakyan, mayroon lamang bisekleta at kalembang nang nagtitinda ng ice drop.

Excited siyang lumapit sa matanda para mamamili.

"Mayroon po kayong pinipig?"

"Oo Miss, ano bang flavor ang gusto mo? Mayroong cheese, chocolate at ube?" Nilingon niya si Ravin, Tinanggal na pala nito ang neck tie nito, ang long sleeve nito ay nakatupi hanggang sa gitna ng braso. Ang gwapo talaga ng boyfriend niya.

"Kumakain ka nito?"

"Oo naman, why do you think I don't?"

"Nagtatanong lang naman, bawal magalit. Saka kung hindi naman wala ka ring magagawa kasi ililibre kita nito." Dumukot siya ng pera sa kanyang bulsa." Anong flavor ang gusto mo?"

"Chocolate."

"Dalawa pong chocolate."

Naupo sila sa bench habang kinakain ang kanilang nabiling pinipig. Buti na lamang at dala niya ang kanyang cellphone, pasikreto niyang kinuhanan si Ravin habang nakatingala sa bughaw na kalangitan. Pakiramdam niya narelax ito, pero ang totoo, kapag nakatingin siya sa mata nito, mukha itong nababalot ng lungkot.

"Ravin," Lumingon ito sa kanya, napansin niya na natutunaw na ang hawak nitong pinipig. "Hindi mo naman yata gusto ang cholate." Tanong niya kahit hindi naman talaga iyon ang kanyang gustong sabihin.

"Actually,I like cheese more, nasanay na lang ako na pinipili ang chocolate because of my brothers."

"Ganoon ba? Gusto mo bilhan ulit kita?" Akma siyang tatayo ng pigilan siya nito sa braso.

"No need."Ravin smile at her. "Let's just stay here and enjoy the silence.

"Okay." Umayos siya ng kanyang upo habang paminsan minsan ay lumilingon dito.

"Ravin, is there something wrong?" Hindi niya na mapigil ang sarili na itanong. Nag-aalala kasi siya dahil mukhang matamlay ito. "Is it about work? Kaya ba pinili mo na tumakas ngayon?"

Huminga ito ng malalim saka kinuha ang kanyang palad.

"Sorry, it's not the kind of date that you imagine. " Pinisil niya pabalik ang kamay nito, assuring him that it's all right, na hindi nito kailangang maging apologetic sa kanya.

"Okay lang, being with you makes me happy. Mas okay nga ang ganito narerelax ka. Kahit paano nalalayo ka sa trabaho.

...

She's so kind and simple. Hindi niya alam kung tama pa ba itong ginagawa niya. Ravin feels that she's becoming more and more special for him. Hindi na lamang isang laro. Kaya lamang ay nagtatalo ang kanyang isipan sa planong kanya nang naumpisahan, titigil pa ba siya at this point?

Unti-unti niya na lamang tatanggapin na hindi para sa kanya ang kaligayan na ito. Consequences, lahat ito ng malaking kasalanan na ginagawa niya noon. He can lose all his family members now, even his position as the CEO but not Sora. His little girl is all that he has. Kaya naman handa siyang isuko ang lahat kay Robin, even this woman who's making his heart flatter. Might as well enjoy this precious moment.

They rented a bike and stroll around the area, akala mo bata si Gene habang excited sa pagsakay nila. Tinuruan niya rin ito dahil hindi ito marunong.

"Sandali, sandali. Huwag mo munang bitawan please, matutumba ako." Reklamo nito habang naghahanda sa pagpedal.

"Nope, I will guide you. " Unti-unti niya rin naman itong binitawan nang masiguro iya na kaya na nitong magbalanse, sa wakas after thirty minutes ay nakuha na rin nito ang kanyang tinuro. Tuwang tuwa ito habang paikot-ikot.

Kasalukuyan siyang pumapalakpak sa achievement ni Gene nang mag ring ang kang cellphone. Number iyon ng school ni Sora, bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba.

The next thing he knew, nagmamaneho na siya sa hospital kung saan dinala ang kanyang anak. Bigla daw itong hinimatay habang nasa klase. She was okay this morning, masigla pa nga ito.

"Ravin be careful." Paalala ni Gene sa kanya dahil kanina pa siya nag oovertake sa ibang sasakyan. He needs to get there as fast as he can.

"Sora!" He rushed in her room, tulog ito, he checked his daughter's temperature. "What happened to her Raven?" Buti na lamang at malapit ang school ni Sora sa hospital kung nasaan si Raven.

"Kaaalis lang ng doctor in charge, we're still waiting for her test result, she's okay for now, medyo bumaba na ang lagnat niya."

"Raven, please do everything for my daughter." He plead, his mind filled with bad thoughts and what if's. Huwag naman sana. Huwag naman sana na si Sora ang magbayad sa kanyang mga kasalanan.

"We will do everything we can, si Sora ang pinag-uusapan natin dito."

"Thank you Raven."

"Calm down will you, pati ako na-tetense sa'yo." Tinapik siya ni Raven sa kanyang balikad, napalingon siya sa likod. He didn't know that Christine was there.

"What are you doing here?" He raised his voice, too late to realized that Sora might wake up. Ayaw niya talaga na nasa paligid si Christine.

"Siya ang nagdala kay Sora dito." Si Raven ang siyang sumagot sa kanya.

"At ano ang ginagawa mo sa school niya? Hindi ba binawalan na kita na lumapit sa anak ko."

"Pamangkin ko siya, I'm her mother's family, just in case you forgot about it. Kung nag-alala ka , nag-aalala rin ako." Kinuha nito ang bag sa sofa at tyempong lalabas. Napahinto ito nang makitang pumasok mula sa pinto si Gene. Gene was calling him, sa pagmamadali niya kasing makapunta sa kwarto ng anak ay nagpaiwan nito.

"Look what we have here." Christine chuckled while looking at Gene from head to toe, saka nakakalokong bumaling sa kanya. "She must be your new girl, Gene right? At talagang hawig sila ng pinsan ko, ang galing mo rin talagang hahanap no?" Bago pa man makapagsalita ng kung ano –ano si Christine ay hinila niya na ito palabas. He gave Raven a signal to take care of Gene while he deals with Christine's foul mouth.

"Let me go!" Reklamo ni Christine sa kanya, binitawan niya naman ito nang nasa dulo na sila kung saan walang tao.

"What do you want? Bakit bumalik ka pa?" Minasahe nito ang braso saka mapanghamon na tumingin sa kanya.

"You know who I want. At hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makukuha and nobody can stop me, especially you." Matapang na sagot nito bago umalis sa kanyang harapan.

Napasabunot na lamang siya sa kanyang ulo. One of his regrets, he agreed with that devil woman, and he hates that anytime she can spoil everything that can ruin his life even more, even Sora, his only hope.  

Romualdez Brothers: Ravin's SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon