Isang Liham Para sa Aking Kabiyak

41 1 0
                                    


May iilang nilalang sa mundo ang ipinanganak na may kapareha
Halimbawa nito ay sina Rachelle at Jacob, Edward at Bella,
Sina Adan at Eba, ang iyong ama't in a,
Isama na rin natin sa listahan ang iyong lolo at lola;
May iilang nilalang sa mundo ang ipinanganak na may makakasama sa pagtanda,
Single pa man ako ngayon, naniniwala ako na balang araw ay makikilala rin kita.
Hindi ko alam kung papaano;
Walang sino man ang nakakaalam ng takdang oras
O kung saang iksaktong lugar magkukross ang ating landas-
Baka nga nakasabay na kita sa pagpila sa grocery store,
Nakatabi sa tricycle papunta at pauwi mula sa trabaho,
Hindi kaya ikaw ay naririto't pinapakinggan ang aking pyesa?
O Baka naman ay nagpalitan na tayo ng mga ngiti, nagkatitigan, nagkausap, nagkabiruan at nagtawanan
Ngunit hindi ko lang namalayan...
Hindi lang natin namalayan...
Marahil ay hindi pa tamang panahon upang tayo at magkakilala;
Siguro dahil abala pa tayo sa pagpanday ng ating mga pangarap-
Sa pagabot ng mga bituin;
Siguro dahil hindi pa ako handang magmahal muli
O baka naligaw ka sa kabilang kanto–
Nagkasalisi tayo, nakilala mo siya't napagpasyahan mong manatili muna pansamantala.
Marahil nga sa maulan na gabing ito ay kayakap mo siya
Ngunit huwag kang mabahala
Dahil hindi ako magagalit,
Hindi ako magseselos,
Hindi ako maiinip
At lalong hindi ako mapapagod na maghintay sa iyong pagdating
Dahil alam ko na sulit din ang aking mahabang paghihintay
Kapag ikaw ay akin nang kapiling.
Iiwan kong nakabukas ang pinto ng aking puso
At hahayaan kong nakasindi ang ilaw upang sa iyong pag-uwi
Ako kaagad ang iyong makikita-
Hinihintay ka sa may bukana ng pinto,
Bukas-palad kitang panunuorin habang unti-unting lumiliit ang agwat sa pagitan nating dalawa
Habang ang mga mata mo ay sa akin lamang nakapako;
Ngingitian mo ako at ikaw naman ay aking yayakapin:
Yakap na may kalakip na pagmamahal,
Yakap na hindi ka masasakal,
Yakap na may halong pagaaruga,
Yakap na sa iyo lamang nakalaan.
Abutin ka man ng ilang araw,
Abutin ka man ng ilang linggo,
Hanggang ang linggo ay maging buwan
At ang buwan ay maging taon,
Hihintayin pa rin kita
Mamahalin ng walang kapaguran
Hanggang sa sumapit na ang tamang oras
At magsitunugan na ang mga kampana...
Nandito lamang ako,
Hihintayin kita.  

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon