Dahan Lang

4 0 0
                                    


Huwag tayong magmadali,
Lasapin natin ang oras.
Dahan-dahan nating lakbayin ang daan na magkasama
Habang ating sinisisid ang pagkatao ng bawat isa.
Huwag tayong magmadali,
At baka tayo ay madapa.
Tirik na tirik pa ang araw;
Saka na tayo maging isa
Kapag ang sugat sa puso natin ay naghilom na.
Huwag tayong magmadali;
May tamang panahon sa bawat pangyayari.
Ang Maykapal ay huwag nating pangunahan
Dahil kahit gaano man katagal abutin,
Kung tayo ang itinakda para sa isa't isa,
Tayong dalawa ay pagbubuklodin ng tadhana.

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon