Infinity

20 1 0
                                    

Magkulay abo man ang buhok nating 'sin dilim ng gabi,
Kumulubot man ang makikinis nating mga balat,
Magkaroon ka man ng pagkukulang
At mapalitan ng luha ang bawat ngiti;
Kung sakaling  dumating man ang araw na 
Hindi na natin kabisado ang bawat letrang bumubuo sa pangalan ng isa't isa,
Hanggang sa magpantay ang ating mga paa...
Hanggang sa maging parte na lamang tayo ng kahapon...
Mananatili ako sa iyong mga bisig;
Asahan mong maging sa kabilang buhay
O sa muli nating pagkabuhay
Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.
Mahal, ang puso ko ay iyung-iyo.

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon