XXIV

14 0 0
                                    


Hindi na naman natapos ang araw na hindi kita nasilayan.
Katulad noong una, pagpasok ko sa silid ikaw 'agad ang nabungaran,
At ako na naman ay iyong nginitian.
Ewan ko ba kung bakit ang mga paru-paro ay nagliparan ng ako ay iyong kausapin.
Sabay tawa at pasimpleng pag-tampal sa aking kanang balikat.
Ayaw kong mag-isip...
Ayaw kong bigyang kulay ang bawat katagang iyong binibitawan
Lalo na ang "na-miss kita" nang dalawang araw tayong hindi nagkita't nagkausap
Dahil nga oras ng iyong pahinga;
Ayaw kong mag-isip...
Ayaw kong bigyang kulay ang mga pagkakataong nahuhuli kitang panakaw akong tinititigan;
Ayaw kong mag-isip...
Ayaw kong bigyang kulay ang bawat paglapit mo sa akin na may kakaibang kislap sa iyong mga mata
Dahil ayaw kong umasa
Na sa akin ay nahuhulog ka na
Dahil ayaw kong muling madismaya Na ako ay muling nabiktima ng maling akala.
Ayaw kong mag-isip...
Ayaw kong bigyang kulay ang magagandang bagay na iyong ipinapakita
Dahil ang aking mga mata ay wala nang luhang iluluha pa.

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon