Huwag Mag-pakita ng Motibo Kung Walang Balak Mag-seryoso

17 0 0
                                    

Ang mga mata natin ay nagkasalubong, nagkatitigan
Hanggang sa tayo ay nagkakwentohan;
Unti-unti mong tinibag ang matayog na pader
Na ilang taon kong pinaghirapang itayo–
Pader na yari sa pinaghalong sakit at kalungkotan
Na mas pinatatag pa ng pagnanais na makalimot,
Na makalayo sa mundong kay lupit;
Pagnanais na magkubli mula sa mga mata ng madlang mapanghusga...
Ngunit ako ay nagitla,
Hindi ako makapaniwalang ganoon lamang kadali
sa iyo na pasukin ang mundong aking binuo–
Isang mundong para sa akin lamang.
Ang bawat paglapit mo ay katumbas ng aking paglayo
Ngunit nakapagtataka na may humihila sa akin pabalik sa iyo.
Ang iyong kabaitan?
Ang iyong matitingkad na mga ngiti?
Ang iyong pagiging simpatiko?
Marahil iyon ang mga rason kung bakit isang araw
Nagising ako sa mahabang pagkakahimbing,
At pagdilat ko nasa tabi na kita–
Sa akin ay nakatunghay at malaya akong pinagmamasdan.
Ngunit aaminin kong naroon parin ang pagkailang, ang takot;
Ako pa rin ay nahihiya kahit matagal na tayong nagpapalitan ng mga salita
Dahil nasanay ako na mag-isa,
Nasanay akong ang aking anino lamang ang aking kaagapay.
Hindi na mabilang ang mga pagkakataong ikaw ay aking iniwasan,
Ngunit ika'y tuta na sa akin ay nakasunod...
Inaabangan ang aking susunod na hakbang;
Ikaw ay palaging nariyan,
Walang kapaguran mo akong hinintay na lingonin ka;
Hindi mo ako iniwan.
At tumila na nga ang ulan,
Kasunod nito ang pagsilay ng liwanag sa dilim.
Magkahawak kamay nating hinarap ang bagong umaga,
At sa hindi inaasahan, dahan-dahan akong nahulog sa iyo.
Ako'y nalunod sa karagatan ng pagmamahal mo.
Pagmamahal na nagbura ng masalimoot na kahapon sa aking alaala;
Pagmamahal na kumalinga sa sugatan kong puso.
Ikaw ang hanging dahilan ng aking paghinga
Na minsan ay siya ring dahilan kung ba't
Ako'y kinakapos ng hininga kapag ikaw ay nagpapatawa;
Ikaw na nagpapabilis ng tibok ng aking puso,
Ani mo'y bulkang sasabog sa oras na ang ating mga mata ay magtugma.
Pag-ibig, isang musikang kay sarap pakinggan;
Musikang sinasabayan nang pag-indak ng bawat pushing umiibig .
Pag-ibig?
Ayaw ko munang tanggapin na ang puso ko ay nasa iyo na
Ngunit sa tuwing akin itong ikinukubli ay mas lalong lumiliyab, nakakapaso!
Hanggang hindi ko na nga kinaya;
Ang aking mga mata ay namulat sa katutuhanan na ang puso ko ay tumutibok na;
Tumitibok para sa tao na sandaling panahon ko lang nakilala;
Tumitibok para sa tao na muling nagparamdam sa akin ng kilig;
Tumitibok para sa tao na ilang beses ko lang nakatabi.
Ang puso ko ay muling tumitibok para sa taong
Dahilan kung ba't ako ay biglang napapangiti kapag ikaw Irog ay nagawi sa aking balintataw.
Masarap sa pakiramdam ang umibig kahit na minsan ako ay nagmumukha ng tanga.
Oo! Ang puso ko ay tumitibok para sa iyo,
Ikaw na kailan man ay hindi magiging akin
Sapagkat mapaglaro ang tadhana
At nakiayon ka sa kanyang plano;
Kayo ay nagkaisang paglaroan ako, ang aking puso.
"Biro lamang ang lahat ngunit iyong tinotoo",
Wika mo na siyang humila sa akin pababa mula sa alapaap.
Ako ay bumulusok at lumagpak sa lupa, Masakit!
Ang bawat katagang iyong binitawan ay sampal ng katotohanan,
Mga punyal na gumising sa sakit at kirot na nahimlay sa kaibutoran ng akin puso.
Mga emosyon na akala ko ay tuluyan na akong nilisan ngunit hindi!
Ang inakala kong tayo ay isa palang ilusyon;
Ang inakala kong totohanan na ay isa palang laro;
Isang napakagandang palabas na sa trahedya nagtapos;
Isang tagpo na balang araw ay kabibilangan mo
Ang kaso hindi ikaw ang bida
'Coz karma is a bitch,
Kung ano man ang ibinigay mo ay siyang babalik sa iyo.

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon