Self Worth

5 0 0
                                    

Patawad kung hindi na kita hahabulin;
Kung hindi na kita lilingunin at hindi na rin sasagutin pa ang iyong mga tawag dahil "bored ako".
Patawad kung bibitawan na kita dahil masyado na akong pagod.
Nangangalay na ang aking mga kamay sa patuloy na pagkapit...
Sa iyo na pilit kumakawala sa aking mga bisig.
Patawad sa mga araw na pinadadalhan kita ng mga mensahe:
"Kumusta ka na?",
"Kumain ka na ba?", at
"Sana ay ay nasa mabuti kang kalagayan."...
Sadyang nagaalala lamang ako sapagkat sa akin ikaw ay mahalaga.
Patawad, baka nasasakal na kita kaya naman hindi ka na masyadong nakikinig kapag isinasalaysay ko ang aking buhay,
Ang aking mga pangarap at ang mga bangungot sa aking nakaraan;
Patawad sa mga panahong kinukulit kita,
Ako lamang ay nangungulila sa iyo noong hindi ka pa tinangay ng hangin;
Hindi ko mawari kung bakit ikaw ay nagbago...
Wala nga yata talagang pag-asang maging tayo;
Oo, ako ay iyo pa ring nginingitian ngunit ito ay pilit.
Kaya patawad kung simula ngayon ako ay aabante na;
Paalam sa mga alaala na magiging bahagi na lamang ng kahapon.
Batid kong ito ay mabigat sa aking puso
Ngunit ako ay lilisan na.
Marapat na ako'y lumisan at magpakalayo
Sapagkat hindi ko kakayanin na mahulog pa sa iyo.
Lalo pa at wala ka upang ako ay sagipin.

Dear Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon