Chapter 20 - Ten Ways.. / GIRLFRIEND?!

296 2 0
                                    

Kathryn's POV.

"Mahal mo na ba ang kapatid ko?"

Natigilang ako sa tanong ni Ate Yen. Mahal ko na nga ba si Daniel? Hindi pa. Crush lang. Pero, bakit ganito ako kagalit kay Liza nung nalaman kong umiyak si Daniel gawa nya? Aysh! Keep Calm, Kath. Crush lang!

"Crush lang, Ate." sabi ko.

"Sigurado ka?"

"Opo."

"May pag-asa ba yung kapatid ko sayo? Nanliligaw sya diba?"

"Hindi ko po alam. Takot po akong magmahal eh. Hindi ko alam kung dapat na ba?"

"Ay, teka teka! Nung isang araw, may nabasa ako sa isang Magazine. Try mo, baka makatulong

sa'yo. Teka, hanapin ko lang.." sabi ni Kiray.

Hinalungkat ni Kiray yung bag nya at may nilabas syang magazine at inabot sa'kin.

"Anong page ba?"

"Page 25." sabi ki Kiray. Binuklat ko at binasa ng malakas.

'10 Ways to know that a Guy is worth keeping.'

Takot ka bang magmahal? Takot ka bang masaktan? Gusto mo bang malaman na dapat mo sya ingatan? Pwes, basahin mo ito at pwedeng makatulong 'to sayo:

1. Hinahabol ka kapag nagalit ka.

2. Pati oras pagkain mo, pinapakialaman. Dapat on time palagi. Kapag ayaw mo, pipilitin ka.

3. Hahawakan yung kamay mo kasi gusto nyang malaman ng lahat na kanya ka.

4. Napapatawa ka, kahit na gaano kacorny yung sinabi nya, ngumiti ka pa din.

5. Yayakapin ka nya at walang pakialam kahit madaming tao sa paligid nyo.

6. Hindi papayag na magShorts ka kasi ayaw nyang mabastos ka.

7. Ipapakilala ka sa Angkan nya kahit hindi pa kayo, dahil proud syang ikaw ang nililigawan nya.

8. Itetext ka maya't maya para malaman kung okay ka lang.

9. Sasabihin nya sa'yong papakasalan ka nya kahit hindi pa ngayon.

10. Ipagyayabang ka nya sa mga kaibigan nya dahil para sa kanya, PERFECT ka na.

Nakita mo na ba 'to sa isang Guy? Pwes, wag mo ng pakawalan. Dahil baka magsisi ka pa.

by: Kay Ann Padilla.

wow! Totoo kaya 'to?

"Tingnan mo 'yan, Be. Kapag nagawa yan ni Din, ikaw na ang magdedesisyon." sabi ni Ate Yen.

Wala namang mawawala kung susubukan. Diba?

"Teka, teka. Bilugan nyo yun number 10. Diba, kapag kasama natin si Daniel, palagi nya nalang pinagmamalaki si Kath? Almost perfect daw diba?" sabi ni Kiray.

"Oo, naaalala ko 'yun. Kaya daw almost palang kasi, hindi pa sya parte ng buhay ni Kath. At magiging Perfect lang daw kapag part na ng buhay ni Kath si Daniel." sabi pa ni Julia.

Binilugan ni 'yung Last number.

"1 down. 9 more to go. Good Luck, Kath. Kaya mo 'yan!" sabi ni Kiray.

A Thing Called... "DESTINY" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon