Chapter 24 - Meeting each other's Relatives. / He's Proud to have ME.

257 3 0
                                    

Kathryn’s POV.

“Kathryn! Gising ka muna, dinner is ready.”

Sino ba ‘yun? Nakakainis ha! Kitang ang sarap sarap ng tulog ko eh. Minulat ko yung isa kong mata at napabaligwas ako ng bangon..

“Baby, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Kanina ka pa?” tanong ko kay Daniel.

“Easy, baby. Isa isang tanong lang, okay? Nandito ako kasi gusto ko. Oo nga, gabi na, so? Gusto lang kitang makita. Kani-kanina pa. Nakapag-2k14 na nga kami ni Kuya Niel eh. 2 games na.” Sabi nya tapos biglang tumawa. Napag-intay ko pala sya?

“Sorry kung ngayon lang ako nagising at ang masaklap, kung hindi mo pa ‘ko ginising, hindi pa talaga ‘ko gigising. Nakakatamad pa kasi eh.” Sabi ko tapos nagPout ako. Nagulat ako sa sunod na ginawa nya..

*TSUP* He kissed me in my lips! Oh my God! Tsk. Ang bad nya!

“Baby, ano ba? Sinong may sabing pwede mong gawin ‘yun? Hindi pa nga tayo diba? Nakakainis naman eh!” sabi ko tapos tumayo ako at lumabas na.. Hindi nya ‘ko hinabol. Tss. Bahala nga sya! Nakaka-inis talaga! Argh!!

Bumaba ako, pagbaba ko..

O.o Ganyan ang reaksyon ko. Kasi ang daming tao. At ang nakakagulat lalo, hindi lang Relatives ko ang nandito..  Pati Relatives  ni Daniel. Bakit naman sila nandito? Lumingon ako kay Daniel na nasa likod ko..

Tiningnan ko sya ng.. ‘Anong-meorn-dito-look’ ngumiti lang sya at bumaba. Tumabi sya sakin at kinuha yung kamay ko.

“Mama, Papa. Tita Min. Kuya Niel. Ate Yen. Lelay. Relatives ni Kath. Relatives ko. At Barkada. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na si Kathryn Chandria Padilla-ay este Bernardo po, ay mahal na mahal ko. Pero ‘wag kayo. Hindi pa po kami ni Kathryn. Nanliligaw po ako ng ayos. Bale, MU kami kasi sabi nya, mahal din nya ‘ko—Awww, ano ba Kath?” sabi ni Daniel. Kinurot ko kasi sya. Nakakahiya.. Tsk. Yumuko nalang ako. Nagpatuloy nalang si Daniel sa pagsasalita.. “Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo para hindi kayo magulat na isang araw invited na kayo sa kasal. Ay joke. Haha. Ginawa ko po itong harapang pag-amin sa inyo para patunayan sa inyong lahat na kahit hindi pa kami ni Kath at kahit maging kami pa, HINDING HINDI KO IKAKAHIYA ‘TONG BABAENG ‘TO. MAHAL KO ‘TO. SOBRA NA, SOLID PA! Kaya po sana, Tita Min, Kuya Niel and Relatives, hayaan nyo po akong mahalin ang Prinsesa ng mga Bernardo. Hindi ko po sya sasaktan dahil walang dahilan para saktan ang isang katulad nya.” Sabi nya.

Natapos na ang mala-MMK na speech ni Daniel. Grabe, hindi ko akalaing magagawa nya ‘to. NakakaPROUD!

“At guys! Isa pa, PROUD ako kasi mahal din nya ‘ko.” Sabi ni Daniel.

~ 7. Ipapakilala ka sa Angkan nya kahit hindi pa kayo, dahil proud syang ikaw ang nililigawan nya. – CHECK! ~

10 Down. <3333333

Oh My GOD! Nagawa nya! He’s worth keeping! Hindi ko na sya papakawalan! PROMISE!!

“Daniel, ano bang pinaggagagawa mo?” bulong k okay Daniel.

“Sinasabi ko lang na MAHAL KITA! Halika, papakilala kita kina Mama.” Sabi nya at hinila ako papunta sa Mama’t Papa nya.

“Ah, Ma. Pa. Si Kathryn po.” Sabi ni Daniel sa Mama’t Papa nya.

“Hello, iha. Ang ganda mo pa din. Lalo kang gumanda, iha. Kilala mo na naman ako diba? Tita Karla nalang itawag mo sakin.” Sabi ni Tita K.

A Thing Called... &quot;DESTINY&quot; [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon