Chapter 21 - Explanations.. / I love you too? MU!

223 2 0
                                    

Daniel's POV.

Pinagbabaan ko si Kath ng Phone. Oo, aminado ako dun. Naglalakad ako dito sa may Park. binato ko yung Phone ko. Hindi ko alam kung saan napunta. Bibili nalang ako ng bago. Tss. Nainis kasi ako kay Kath, para namang hindi nya 'ko namiss eh.

Umuwi nalang ako. At pag-uwi ko. Eto ang sumalubong sakin:

"DANIEL JOHN FORD PADILLA! DAPAT HINDI KA NA NAGSABING LILIGAWAN MO SI KATHRYN KUNG LOLOKOHIN AT PAAASAHIN MO LANG DIN!!" galit na galit na sabi sakin ni Ate.

Ano? Lolokohin? Paaasahin? Ano bang ginawa ko?

"Wait, wait, Ate. Ano bang ginawa ko?"

"Wag mo 'kong paglololokohin ha?! Tumawag sa'kin si Niel. Umiiyak si Kathryn dahil nakausap nya ang GIRLFRIEND mo! Joanne ang pangalan! Akina nga yung Phone mo at titingnan ko kung sino yang lintik na Joanne na yan! Maganda ba?! Baka mas maganda pa si Vice ganda dyan, ingungudngod ko yan sa tae ng kalabaw." sabi ni Ate. Ay shoot. Baka sya yung nakapulot ng Phone ko. Sinong Joanne yun?

"Ate, listen. Okay? Nainis ako kay Kath kanina kaya pinagbabaan ko sya tapos tinapon ko yung Phone ko. Tapos nung hinahanap ko na ulit, hindi ko na makita. Oh? Paano naman ako magkakaGirlfriend ng ganun, ha? Ni wala nga akong kilalang Joanne eh. Baka sya yung nakakuha ng Phone ko."

"Totoo ba yan?"

"Oo, ate. Hindi ko ipagpapalit si Kathryn. Sya ang mahal ko. Sya lang!"

"Okay! Pero, lagot ka. Naiyak si Kathryn!"

"Naiyak?! Sh*t. Teka, ate. Pupunta ako kina Kath, kaya nyo na naman diba?"

"Sige, lakad!"

Umalis ako at pumunta kina Kathryn. Pagdating ko dun, pinagbuksan ako ni Yaya Emi. Tapos, lumapit ako kay Kuya Niel. Nag-explain ako at naintindihan nya. Pinaakyat nya ako sa kwarto ni kathryn. Nakita ko sya, nakadapa. Umiiyak.

"Kuya, lumabas ka muna *sniff* sabi eh."

"Chacha, si Janjan 'to." sabi ko. Nanghihina ako. Ayokong makita syang umiiyak!

Bumaligwas sya ng upo at tinignan ako ng masama..

"ANONG GINAGAWA MO DITO? PINAGSAWAAN MO NA BA YUNG GIRLFRIEND MO? AYOKO NA SA'YO. HINDI NA KITA MAHAL. DUN KA NA SA JOANNE MO!! TIGILAN MO NA DIN YUNG PANLILIGAW MO SAKIN!"

Nanghina ako lalo sa sinabi nya.. Pero may napansin ako..

"M-Mahal m-mo ako?" sabi ko.

"OO. GAGO KA!! MAHAL KITA!! MATAGAL NA.. PERO WALA NA, AYAW NA KITANG MAHALIN KASI MAY JOANNE KANA!!" sabi nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Cha, listen to me first, please.. Wala akong Girlfriend. Wala nga akong kilalang Joanne eh. Cha, nung pinagbabaan kita ng Phone, tinapon ko yung Phone ko sa may Park. Tapos, nung hinanap ko, wala na. May nakakuha na. Wala akong girlfriend. Maniwala ka sakin. Ikaw lang ang mahal ko, Cha. Please, believe me. Maniwala ka sakin. Sorry na."

sabi ko. Nakita kong tumulo ulit yung luha nya tapos niyakap nya 'ko.

"I'm sorry, Jan. Natakot lang ako na baka iwan mo 'ko ulit." sabi nya.

"Tahan na, Cha." hinaplos ko yung buhok nya. At kiniss ko yung buhok nya.

Hinarap ko sya sa'kin. At pinunasan ko yung luha nya. Kiniss ko yung mata nya..

A Thing Called... "DESTINY" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon