Chapter 8 - First KI..? and Clues.

322 2 0
                                    

Daniel's POV.

~

"Hoy! Batang iyakin. Bakit ka nandyan?"

"Wala kang pakialam. Hindi mo nararamdaman yung nararamdaman ko."

"Ano bang nararamdaman mo?"

"Ang sakit ng puso ko!"

"Ang bata mo pa. Sakit na nga puso agad? Bata pa tayo."

"Hindi. Hindi yung sakit na galing sa ibang tao. Sakit na galing sa Family ko."

"Ahhh. Bakit? Anong nangyari?"

"Iniwan na kami ni Papa. Wala na si Papa Te---"

~

"Daniel?! Bumangon ka na dyan! Dinner na."

Huh?! Sino yun? Sumilip ako ng isang mata. Nakita ko si Ate Yen, nasa tabi ko. Bumangon ako.

"Sige na, Ate. Susunod nalang ako."

"Hep! Nope. Diba sabi ko? Mag-uusap tayo? Now is the right time."

"Ate. Ano ka ba? Pagod lang talaga ako kanina kaya----"

"Hep! Wag kang GUILTY! Wala pa 'kong sinasabi."

"Eeeehhhhhhhhh! Ate, hindi ko kasi magets yung sarili ko eh. Why do I act this way?"

"Ano bang feeling mo?"

"Feeling ko? Naiinis ako. Nabubwisit ako kapag nakikita ko si Kath na kasama yung Childhood whatever nya. Bakit ganun ate?"

"Ano ba 'yan? Hindi pa nagsstart yung Classes, napalapit ka na agad sa kanya. Hahaha. Basta, I don't need to explain to you what you're feeling right now. You need to find it out yourself!"

"Ate naman eh. Ang hirap hirap lang kasi. Pero ate, alam mo? Hindi ko naman type si Kathryn. Siguro, nasanay lang ako na wala syang kasama kaya ganun 'no? Wala lang 'to. Tara na kumain."

"Sure kang hindi mo type?"

"Oo, ate. Sure ako!"

Hindi ko naman talaga type 'yun ah? Hindi talaga. Hahaha. Nababaliw lang ako. Tumayo na 'ko at lumakad pababa.. Nadinig kong napa-Tsk nalang si Ate. Haay! Pagbaba ko, pumunta ako sa Dinning Room at kumain na. Sumunod naman sakin si Ate. Umupo sya at kumain na din.

Teka, bago ko makalimutan... May napanaginipan na naman ako.. 'Chacha'! Sino ka ba talaga? Anong role mo sa buhay ko? Aysh!

A Thing Called... "DESTINY" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon