Chapter 23 - Baby!

230 1 0
                                    

Daniel's POV.

Nagwalk out ako. Naiinis kasi ako kay Kath. Aysh! Kanina pa 'ko nagtetext sa kanya tapos hindi nagrereply. Kanina pa kaya ako nag-aalala. Wala sya sa Caft. Wala kay Miss Kris. Hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin tapos.. Pagpasok nya ng Caft, nakangiti at parang walang nangyari? Tss. Nakabili na nga pala ako ng Sim. Yung phone na gamit ko, pinahiram lang ni Mama. Bibili pa 'ko mamaya. Pinasave ko yung number ko kay Kath kanina.

(A/N: Hindi ko na nilagay yung part ng pagsesave ng number kasi hindi naman importante.)

Nandito ako ngayon sa Student's Park. Tsktsk. 

"Grabe! Hindi man lang ako hinabol! Kitang nagtatampo ako tapos sya nandun lang? Aysh! Kung hindi ko lang talaga mahal 'yun. Tss."

Nakakainis talaga!

"Masamang kinakausap ang sarili. Kailangan mo ng kausap. Kaya, mag-uusap tayo." teka?! Sino 'yun? Lumingon ako at..

"K-Kath? Na-nadinig mo?" tanong ko..

"Oo. Halika, usap tayo." sabi nya. Tumabi sya sakin. Hindi pa din ako natingin sa kanya. "Jan, sorry na. Nawala kasi sa isip ko na sa Caft mo nga pala 'ko iniintay. Sorry na!" sabi nya.

Hindi ko pa din sya pinapansin. Niyakap nya 'ko bigla.

"I'm so sorry, Baby." sabi nya.. WAIT?!!! BABY? 

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang sya sa'kin.

"B-ba-baby?" gulat na tanong ko..

"Yes! You are my Baby. Because, you are my only one." sabi nya ng nakangiti.

Napangiti ako sa sinabi nya. Iba talaga ang tama ko sa babaeng 'to. Ang LAKAS!

"Ano na ba tayo?" tanong ko. Hindi pa din ako nagrerespond sa yakap nya. Pakipot muna. Kahit lalaki ka, pwede kang magpakipot!

"MU!" sabi nya.

"MU?! Sure ka?" tanong ko.

"Oo. Inamin mong mahal mo 'ko. Inamin ko ding mahal kita. Edi MU tayo. Mutual Understanding." sabi nya.

"Seryoso ka?" sabi ko.

"Oo. Ayaw mo ba?" tanong nya.

Niyakap ko sya at kiniss sa noo.

"Syempre gusto. I love you, Baby." sabi ko.

"I love you too, Baby. Bati na tayo?" sabi nya.

"Oo. Hindi kita matiis eh."

"Oh, tara na sa Caft? Hindi pa 'ko naglaLunch eh." sabi nya.

"ANO?! Hindi ka pa naglaLunch? Saan ka ba kasi nanggaling? Pati mga text ko hindi mo sinasagot?"

"Nandito ako sa SP. Eh nagbabasa ako ng Libro kaya hindi ko napapansin yung Phone ko. Tara, kain tayo."

"Tara! 12 palang naman eh." 

"Sige. 12:30 pa naman yung klase natin eh." 

Tumayo na kami at pumunta sa Caft. Nandun pa ang Barkada except kina Ate at Kuya Niel. May klase na sila ng 12 eh. Pinaupo ko si Kath sa tabi ni Julia..

"Ano sa'yo, Baby?" tanong ko.. Nakita kong lumaki yung mata nila..

"Ikaw na bahala." sagot ni Kath. Tumango nalang ako at pumunta sa Counter..

A Thing Called... "DESTINY" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon