Chapter 6
AUTHOR
Ilang linggo ang nakalipas at ngayon mayroong mahalagang event sa eskwelahan. Kahit na isang school for delinquents ang Daku High ay sinusunod padin nito ang mga activities at events na dapat ipinagdiriwang ng isang normal na school.
Napuno ng mga tili at sigawan ang buong pool area ng Daku High dahil naglabasan na ang mga kalahok para sa swimming competition, bawat year level ay may kanya kanyang panlaban sa larangan ng pag-langoy at para 3rd year ang sikat at hinahangaang si Akihiro Yamada ang kanilang representative.
"GO AKIIII!"
"KYAAAAAH I LOVE YOU AKI!"
"YOU'RE SO FUCKING HOT AKI!"
Iilan lamang sa sigawan ng babae yan ngunit maging ang ibang kalalakihan ng Daku High ay napahanga sa ganda at matipunong pangangatawan ni Aki, hindi mapagkakaila na karapat dapat siyang Boss ng 3rd year. Ngiting ngiti si Aki ng tinignan ang pinsan na nakasimangot sakanya habang hawak ang banner na 'pinangako' na gawin para sakanya.
"Tch. Lumalaki nanaman ang ulo ng pangit na 'to!" asar na sabi ni Fumiko, sapilitan kasi siyang inutusan ng pinsan na igawa siya ng banner at i-cheer kung hindi niya 'to gagawin ay magsusumbong ito ng mga kalokohan niya sa mama niya.
Ang gwapo mo talaga Aki! Wahahaha. Ipanalo mo 'to ha?
Sabi ng binata sa isipan niya at kumaway kaway sa 'fans' niya.
"Next competition: Freestyle men's division. Representative please step on your diving boards as I call your name" anunsyo ng SSG President na siyang nag-organize ng event na 'to.
"Representative for 1st year: Goro Ichijo" napalakpakan ang lahat habang tumungtong ang binata sa pang-unang diving board at nag-inat, "Representative for 2nd year: Takishima Raiko" nagpalakpakan ang iba at tumungtong naman ang binata sa pangalawang diving board at sandaling ngumiti sa mga manunuod. "Representative for 3rd year: Yamada Akihiro" naghiyawan ang lahat at nagpalakpakan. Hinubad nito ang jacket na suot at tumambad sa lahat ang matipunong katawan nito dahilan para magsigawan ang lahat, ngumiti ito ng matagumpay animo'y alam na niya na siya ang mananalo.
Tumungtong na din ito sa diving board at ginawaran ng matamis na ngiti ang mga 'fans niya. "Representative for 4th year: Seijuro Hiroshi" nagpalakpakan ang iba at tumungtong na din sa diving board.
Pumwesto na ang apat na binata sa tinatawag na diving position, nang marinig ang hudyat ay agad agad naman silang nag-dive sa mala-olympic pool ng Daku High.
BINABASA MO ANG
Kage No Fukushū
Mystery / ThrillerKahit sino naman ay hindi na gugustuhing bumalik sa nakaraan at muling balikan ang isang bagay na halos paghirapan natin kalimutan, pero si Kuro ay walang nagawa dahil kinakailangan niyang bumalik muli sa isang lugar na pilit man niyang kalimutan ay...