Chapter 5
YOSHIRO
Weeks had passed after ng incident sa Caf at naging usap usap nito hanggang ngayon pero hindi tulad nung unang linggo na halos bawat student ng DH ay iyon ang topic.
"Bro you really are nuts" sabi ko kay Kuro, he admitted it to me. Wala silang relasyon ni Kumori, pinagtripan niya lang which resulted to Kumori throwing a shoe at his face. Muntik na silang mag away non but the bell rang kaya naman bumalik na kami sa room. Kumori kept silent and ignored the gossips about her and Kuro this idiot seems to be enjoying it.
"Still the talk of the town huh?" nakangising sabi niya, he looks really satisfied sa ginawa niya.
"You're actually enjoying this" sabi ko at ngumisi lang siya. Napailing nalang ako at uminom sa beer na hawak ko.
Nasa bar kami ngayon nagyaya uminom si Mitsuo, kanila nga pala 'tong bar na 'to. After ng laban namin ni Kuro kanina ay dito kami nagpunta, natalo niya ako at putok ang labi ko honestly he's so strong. Kaya kahit wala pang tatlong minuto ay na-K.O. na ako.
"Grabe, akala ko talaga kayo na ni Kumori. Hindi nga yon gano nagsasalita e tsaka mailap sa tao" sabi ni Mitsuo
"Tch, Mayabang yung Kumori na yon lalo na't nasa tabi niya lagi sina Eiji at Akihiro" sagot naman ni Ronin, hindi ko alam bakit lagi nalang galit yan. Pinaglihi ata sa sama ng loob.
"Why does she always have those two by her side? Does she have a relationship with Eiji?" tanong ni Kuro, umiling naman kami pare-pareho
"Wala silang relasyon" sagot ko, ngumisi naman siya
"But he seems to have a crush on her" mala-demonyong ngumisi ito at uminom ng beer.
"Bakit ba sila ang topic natin?! Tch. Ibahin niyo yung usapan!" inis na sabi ni Ronin. Natawa nalang kami at iniba ang pinag-usapan, napunta sa babae, pera, bahay, buhay at marami pa.
1 a.m. ng nagkayayaan na umuwe, medjo tipsy na si Ronin tahimik naman sina Taro at Kuro. Si Mitsuo dumaldal lalo at ako? Medjo nahihilo na.
"Can Maruyama get himself home?" tanong ni Taro, natawa ako at tumango.
"Yeah, ganyang yang gago na yan pero he can handle himself" tumango ito at napakamot ng ulo sa lasing na si Mitsuo. Tulog na tulog e. Hahahaha
"Hey guys, I'm going. Take care of those two" sabi ni Kuro at umalis na. Hinatid ko na si Ronin habang hinatid ni Taro si Mitsuo. Iniwan nalang namin ang kotse nila at nagsipag-uwian na.
***
"Kuro have you thought about challenging Akihiro yet?" tanong ko, it's been three weeks. Kuro seems to lie low at hindi muna lumaban. Ilang araw na siya kinukulit ni Ronin na lumaban para makita na namin muli ang top boss pero mukhang wala pang plano si Kuro.
"Calm the fuck down guys. Lalaban ko si Akihiro but wag muna. I'm not in a hurry anyway" walang gana niyang sabi, I shrugged while Ronin made face. Atat na atat na kasi siyang makita ang Top Boss na matagal ng nagtatago samin.
"I'm going. Don't forget to train" sabi nito at umalis
"Tch, siya maglalakwatsa tayo magte-training! Nasan na ba sila Mitsuo?" inis na sabi ni Ronin, masanay na kayo lagi namang galit yan
"They're on their way. Calm the fuck down" sabi ko habang ginagaya si Kuro, I chuckled while Ronin's face crumpled.
Pinaglihi nga talaga sa sama ng loob 'tong gago na 'to.
BINABASA MO ANG
Kage No Fukushū
غموض / إثارةKahit sino naman ay hindi na gugustuhing bumalik sa nakaraan at muling balikan ang isang bagay na halos paghirapan natin kalimutan, pero si Kuro ay walang nagawa dahil kinakailangan niyang bumalik muli sa isang lugar na pilit man niyang kalimutan ay...